Chapter 24: Diel

2.8K 69 0
                                    

 

Chapter 24

"She's nervous. Why?" tanong ni Tyler kay Phoenix nang maramdaman ang kabang nararamdaman ni Sabria pero si Ridge na mismo ang sumagot sa tanong niya na tahimik simula nang dumating sila rito.

"Maybe because of the wizards around her. I believed those were the poweeful wizards, right?" bumaling ito kay Phoeniex na tumango lamang bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

"May problema ba?" tanong ni Diel kay Sabria. Pabulong lamang iyon kaya naman lumapit pa silang tatlo upang marinig ang sagot nito.

"I can feel their powers, Diel. Nararamdaman ko," hindi makapaniwalang sabi nito.

"Isn't that normal?" tanong ulit ni Tyler sa dalawa at umiling lamang ang mga ito.

"She's the only one who could do that. Just like you. You're the only one who could feel someone's emotions and see their past."

"King Shone can do that," sabi ni Ridge na nakapagpabaling ng atensyon nila rito. "He could also feel someone's emotion."

"Buhayin natin ang totoong Jillian," napatingin silang tatlo sa isang babae na nagsalita. It's Elysse, the queen itself suggested that na ikinalaki ng mata ni Ridge na nakatingin dito.

"Don't tell me binuhay nga nila noon ang dark princess?" hindi makapaniwalang tanong nito kay Phoenix.

"Well, when I came back ay naroon na siya. Nasabi sa akin ni Master Jed na kaya nila ito binuhay ay dahil hindi na kayang labanan pa ni Shanel ang Dark Princess na dinala ni Jullian noon sa kasalukuyan. So they came into this solution," paliwanag ni Phoenix sa kanila.

"That's crazy," napapailing na sabi na lamang ni Ridge.

"Yes it is. But it helped them."

Agad na napahawak si Tyler kay Ridge na katabi lamang niya nang makaramdam siya ng kakaibang sakit at ganoon din si Phoenix na napaluhod na laman. Napasigaw na lamang siya at napapikit nag mariin.

"What's happening?" nahihirapang tanong ni Phoenix kay Ridge na tahimik lamang habang nakatingin sa kung saan.

Ibinaling ni Tyler ang tingin sa kung saan nakatingin si Ridge at nagulat na lamang siyang nang makitang nakatingin sa direksyon nila si Diel. The time stopped at naglakad papalapit si Diel sa direksyon nila.

"Who are you?" tanong nito sa kanila at bumaling kay Phoenix na nakakunot ang noo. "How did you escape from the dark wizards?" nagtatakang tanong nito.

"Stop whatever you're doing and we will tell you who we are," sabi ni Ridge kaya naman muli siyang tinitigan ni Diel.

"You're also a time traveler," hindi makapaniwalang sabi ni Diel at itinigil na kung ano man ang ginagawa nito sa kanilang dalawa ni Phoenix.

Nagtatakang napatingin si Tyler kay Ridge na hindi man lang naapektuhan sa ginawa ni Diel. At paano ba sila nakita ni Diel?

"I am. We came from the present and this Phoenix is also the Phoenix in the present. Nasa kamay pa rin ng mga dark wizards ang Phoenix na nasa panahon niyo."

Tinignan nito si Phoenix na nakatayo na sa harapan niya.

"You never aged. And who's the girl behind you?" tanong nito kay Phoenix kaya naman mas itinago pa siya ni Phoenix sa kanyang likuran na hindi niya maintindihan kung bakit.

"Tyler. Sabria's descendant and I'm Ridge, Miel's descendant."

Gusto pa nitong magtanong pero nakita nito na unti-unti ng nawawala ang spell na pinakawalan niya upang pansamantalang patigilin ang oras.

EnchantedWhere stories live. Discover now