Chapter 1: Start

9.9K 198 3
                                    

Chapter 1
Malakas tawanan ang bumungad kay Tyler pagpasok niya pa lamang sa loob ng magiging classroom niya para sa Humanities. Agad ay napangiti din siya ng makita ang mga dati ng naging kaklase noong nakaraang semester at naging kaibigan na rin niya.

"Tyler!" masayang bati ni Luna sa kanya at hinila na siya palapit sa mga grupo ng mga ito. Agad din kinuha ng mga ito ang schedule niya na hawak-hawak niya lamang.

"Oh my gad kaklase ka pa rin namin! Ang malas naman!" pabirong sabi ni Jared sa kanya kaya naman inirapan na lamang niya ito.

"Palagay niyo ba may gwapo tayong makakaklase this sem? Shems! Sana naman meron para magka-inspirasyon ako," sabi ng isa pa nilang kaibigan na si Alyssa.

Ngumiti lamang siya sa mga ito at naupo na. Wala kasi siya sa mood dahil napagalitan nanaman siya ng kanyang ina kagabi dahil sa paggimik niya ng hindi nagpapaalam sa mga ito.

Ang kaninang maingay na mga kaibigan niya biglang natahimik ng may muling pumasok sa classroom nila. Narinig niya ang pigil na tili ni Alyssa sa likod niya kaya napailing nalang siya.

"May nakaupo ba dito?"

Napaangat ang ulo niya ng marinig ang boses na iyon. Isang nakangiting gwapong nilalang ang kumausap sa kanya at walang siyang ginawa kundi tignan lamang ang lalaki.

"Walang nakaupo diyan. Sige diyan ka nalang," si Jared na ang sumagot sa tanong na hindi niya nasagot kaya naman nagyuko nalang siya ng tingin para hindi makita ang pamumula ng mukha niya.

"I'm Tyler," napataas ang kilay niya ng muling magsalita ang katabi. Narinig niya din ang OA na pagsinghap ni Alyssa at Jared sa likod niya.

"Talaga?! Oh my gad! Tyler din pangalan niya!" sabi ni Alyssa kaya naman napatingin ang lalaking nagpakilalang Tyler dito.

"Really?" tila natutuwang tanong nito at nakangiti naman tumango si Alyssa.

"I think destiny," sabi ni Jared.

"Hindi. Nagkataon lang," salungat naman ni Luna.

"Hindi. Destiny talaga. Ang gwapo kaya ni Tyler no.2 tapos maganda naman ang kaibigan nating si Tyler no.1," napangiti nalang siya sa tinawag ni Alyssa sa kanya.

Nasa loob na sila ng canteen para sa lunch break nila at hanggang ngayon ay hot topic pa rin nila ang tungkol kay Tyler James Laxamana.

"Hanggang kailan niyo ba pag-uusapan yang si James? During our subject in Humanities ay siya ang pinag-bubulungan niyo which is dinig na dinig naman namin. Hanggang sa matapos ang Humanities at dumaan pa ang ilang subject, siya pa rin topic niyo," reklamo niya sa mga ito.

"Taray! James na ang tawag kay Tyler no.2. Sinasabi ko sa'yo Luna, matatapos ang semester na ito magiging sila niyang kaibigan mo!" sabi ni Jared habang nakaturo pa sa kanya.

"Tigilan niyo ako."

"Speaking of, papalapit siya dito," sabi ni Luna at nagsimulang kumain. Natahimik na ang table nila dahil nagsimula nang kumain ang mga kaibigan kaya naman ganun din ang ginawa niya.

"Hi, Tyler."

Napaangat siya ng tingin ng makita si James na may dalang pagkain. Ngumiti nalang siya dito at naupo pa sa tabi niya.

Sa buong lunch break nila ay tahimik lang siya habang dinadaldalan ng mga kaibigan niya si James. Hanggang sa matapos ang lunch break at hinatid pa sila nito para sa susunod na subject.

"Pustahan tayo," nakangising sabi ni Jared.

"Ano na naman?" bored na tanong niya dito.

"Sa loob ng dalawang linggo, yayayain ka ng Tyler James na iyan na magdate!"

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon