Chapter 9: Classmates

4.5K 128 8
                                    

Chapter 9
Hinaplos ang kanyang repleksyon sa salamin. Ito ang tunay na Tyler. Kulay itim ang buhok maging ang mga mata. Napangiti na lamang siya. Hindi na rin nagyeyelo ang mga bagay na nahahawakan niya salamat sa libro ni Sabria. Ngayon alam na niya kung paano kontrolin ang kakayahan niyang iyon kaya naman handa na ulit siyang pumasok sa paaralan.

Pagpasok niya ay napansin niya agad ang kumpulan ng mga estudyante sa may room nila. Tatlong linggo rin siyang nawala kaya wala siyang kaalam-alam kung ano ang nangyari sa klase nila sa loobng tatlong linggo.

Bago pa siya makipagsiksikan sa mga estudyante na nagkukumpulan sa room nila ay nakita na niya sina Luna na papasok din sa room. Parang nagulat pa ang mga ito nang makita siya pero agad din siyang nilapitan at niyakap.

"Sa wakas nakapasok ka na!" masayang sabi ni Luna.

Nakipagsiksikan sila sa mga estudyante para makapasok sa room nila. Pagpasok nila ay pigil ang tili ni Alyssa at ni Jared ng makita ang dalawang lalaki na kinakausap ng mga kaklase nilang lalaki. Kilala niya ang isa sa mga iyon kaya naman napakunot noo siya.

'Anong ginagawa niya dito?'

"Phoenix!" tawag ni Alyssa dito. Lumingon naman si Phoenix at tinanguan lamang si Alyssa.

Hindi niya maiwasang mapataas ang kilay ng tinawag ito ni Alyssa sa pangalan. Ano yon? Naging malapit na ang mga ito sa loob lamang ng isang araw?

"Dito na ka na mag-aaral?" tanong naman ni Jared.

Nilapitan na ng tatlo si Phoenix habang siya naman ay nanatili lamang sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung magtutungo na ba siya sa upuan niya which is ang upuan sa tabi ni Phoenix na kasalukuyang inuupuan noong isa pang lalaki na hindi niya kilala.

Base sa itsura ng lalaki ay kasing edad niya lamang ito pero hindi siya magpapalinlang sa itsura. Kung si Phoenix nga ay ilang libong taon nang nabubuhay pero mukhang kasing edad niya lang. May pakiramdam siya na isa ring wizard ang kasama nito.

"Yeah. Kailangan naming manatili dito pansamantala dahil sa mga dapat naming asikasuhin," sabi ni Phoenix habang nakatingin sa kanya. Ang lalaking kasama naman nito ay nakangiti lamang sa kanya. Ngiting mukhang hindi gagawa ng maganda.

"Pakilala mo naman kami sa kasama mo," sabi ni Jared habang nakangiti ng napakatamis sa kasama ni Phoenix.

"Hi! I'm Cald. Cald Gelu Levin," pakilala nito sa kanya na lumapit pa para iabot ang kamay.

Levin. Alam niya ang apelyido na iyon. Iyon ang apelyido ng ina ni Sabria nang mamuhay siya sa mundong ito. At ang pangalan nito na Gelu ay hango sa salitang latin na ang ibig sabihin ay 'frost'. Sa pangalan palang nito ay alam na niya ang katauhan niya. At tama siya, isa nga itong wizard.

Hindi niya ito pinansin at piniling maupo sa pinakadulo ng klase kung saan alam niyang walang nakaupo doon. Ayaw niyang ma-involve sa dalawang iyon pero alam naman niya na siya ang pakay ng mga ito.

"Ang taray! Alyssa nga pala. Eto naman si Jared at Luna. At yung mataray na iyon si Tyler. Pagpasensyahan mo na," narinig niyang pakilala ni Alyssa.

Pinili na lamang niya na magbasa kahit na nararamdaman niya ang tingin ng dalawang lalaki sa kanya. Pero agad na napaangat ang tingin niya nang makarinig ng boses sa kanyang isipan.

'How rude of you, Tyler,' sabi ng boses sa kanyang isip.

Hindi niya alam kung sino iyon pero nakita niya yung lalaking nagngangalang Cald na nakatingin sa kanya habang nakangisi kaya naman alam na niya agad na siya iyon.

'Ikaw ba talaga ang babae sa propesiya? Bakit hindi ko maramdaman ang kapangyarihan mo?'

Ipinikit niya ang mga mata. Gusto niyang sigawan ito na lubayan ang kanyang isipan pero baka isipin ng mga kaklase at kaibigan niya na nababaliw na siya kaya naman pinili na lamang niyang manahimik. Ibinalik niya ang atensyon sa binabasa at naglagay ng headset sa tenga. She's trying her best to block him on her mind at mukhang nagtagumpay naman siya dahil nakita niyang nakakunot na ang noo ni Cald habang nakatingin sa kanya.

Nang dumating ang kanilang professor ay nagpakilala na ang dalawa. Its weir that Phoenix is there. Kung tutuusin ay sigurading mas marami pa itong nalalaman kesa sa professor nila. On the other hand, pwedi rin na hindi ganoon kalawak ang kaalaman niyo dahil napakatagal ng panahon simula nang tununtong ito sa mundo ng mga tao.

Sa buong klase ay nasa dalawang lalaki lamang ang mata ni Tyler. Iniisip niya kung ano ba ang balak ng dalaw. Alam naman niya na siya ang pakay ng mga ito pero nakapagdesisyon na siya at hindi na mababago pa ang desisyon na iyon.

Natapos ang morning session nila. Kasama niya ang tatlong kaibigan na nagtungo sa canteen. Ang nakakainis lang ay isinama pa ng mga ito ang dalawa kaya naman tahimik lamang siya habang dinadaldalan ng mga kaibigan ang mga ito.

"Ano pala yung sinabi niyo kanina na kailangan ninyong asikasuhin?" narinig niyang tanong ni Luna sa mga ito.

Nagkatinginan naman ang dalawa bago tumingin sa kanya.

"Inaayos nila ang mga visa nila para sa pag-alis. Nakatanggap kasi sila ng scholarship sa ibang bansa kaya naman naisipan nila na tapusin na muna ang isang taon pa dito," sagot niya sa mga kaibigan. Siya na ang sumagot para sa dalawa dahil mukhang walang maisip na dahilan ang mga ito.

Kung sabagay. Sa iisipin, ito ang unang beses na nakapunta si Cald sa mundong ito dahil sa tagal na nakasarado ang lagusan. Si Phoenix naman ay matagal na ring hindi naninirahan sa mundong ito kaya siguradong hindi na niya alam kung paano ba ang buhay sa mundong ito. Alam nito na marami nang nagbago.

Natapos ang break nila at pabalik na sa room para sa afternoon session nila nang hilain siya ni Cald palayo sa grupo nila. Nakita naman niya si Phoenix na masama ang tingin kay Cald pero ngumisi lamang ito dito.

"Anong kailangan mo?" bored na tanong niya dito.

"Come with us, please," pakiusap nito sa kanya na hindi niya inaasahan. Wala sa itsura nito ang marunong makiusap. Kung titignan ito ay para itong spoiled brat na nakukuha lahat ng gusto sa kahit na paanong paraan.

"I already have answer to that. Hindi ako sasama. Mananatili ako dito kaya bumalik na kayo sa mundo ninyo," matigas na sabi niya rito.

"Mundo natin, Tyler. Kailangan mong magpunta sa mundong iyon. Kayong dalawa ng iyong ina," pangungulit pa nito.

"Ayoko."

Nagsimula na siyang maglakad patungo sa room nila nang mapahinto siya sa sinabi nito.

"Kahit pa sabihin ko sa'yo na maari ninyong ikamatay kapag mas nagtagal pa kayo sa mundong ito?"

Nilingon niya ito at tinignan ang mga mata. Nakita niya sa mga ito na seryoso siya.

Natapos na niya ang libro ni Sabria kaya naman kung ano mana ang meron sa Magus World, may kaalaman na siya tungkol doon. Pero walang nabanggit si Sabria na magiging mapanganib para sa kanila kapag mas nagtagal pa sila sa mundong ito.

Pinakatitigan niya ito at tinitimbang kung niloloko lang siya nito o hindi pero nakikita niya sa mata nito na seryoso ito kaya naman hindi na niya napigilan ang matawa.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong nito sa kanya.

"Ikaw!" sagot naman niya at itinuro pa ito. Napasimangot naman lalo si Cald dahil sa kanya.

"Sinasabi ko na ikamamatay namin ni Mama kapag nanatili pa kami dito? Huwag mo akong lokohin. Nabanggit ni Sab sa kanyang libro na halos labing siyam na gulang ang kanyang ina nang malaman nito na siya ang nawawalang lumen princess. Ganoon din ang edad ni Sabria at dito sila naninirahan noon. Kung hindi lang nagkaroon ng gulo noon sa Magus World ay siguradong mas nagtagal pa sila dito."

Nakatingin lang si Cald sa kanya hanggang sa ngumisi ito at umiling-iling.

"You got me there. I didn't know anything about that book. Sana mas maganda pang ideya ang naisip ko."

"Kahit na anong gawin mo, hindi ako sasama sa inyo. Dito na ang buhay ko at ayoko nang makigulo pa sa mundo niyo kaya naman mas mabuti pang bumalik nalang kayo roon ni Phoenix. Nagsasayang lang kayo ng oras dito."

--
So, what do you think about Cald? :)
Kindly write down your comments 👇🏻☺️

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon