Chapter 37: Choices

2.5K 64 7
                                    

This chapter is dedicated to MarkNinoAloria You can find the answer to your question from the previous chapter here :)

Chapter 37

It's like they have the same strength. Kung gaano kalakas ang kapangyarihang inilalabas ni Tyler ay ganoon rin si Jullian. But they both know that they're not using the extent of their power. Para bang pinag-aaralan muna nila ang isa't isa.

Sabay silang huminto sa pag-atake sa isa't isa at hinabol muna ang kanilang hininga. Nang lingunin ni Tyler ang mga lumen wizard ay bigla siyang nagtaka dahil imbes na papunta roon sa Dark Castle ang mga ito ay para bang lumilihis ang landas ng mga ito.

'The well,' naisip na lamang niya dahil papunta sa balon na iyon na siyang lagusan papunta sa mundo ng mga tao ang daang tinatahak ng mga ito. Which she finds it weird.

Nanlalaki ang matang napatingin siya kay Jullian dahil sa reyalisasyong nabuo sa kanyang isipan. Si Jullian naman ay nakangisi lamang na nakatingin sa mga ito.

"I realized that this world will never be mine. It's for the lumen wizards to begin with. And in this world, the dark wizards doesn't have a place to live. As long as you're a dark wizard, you're an enemy and doesn't belong to this world."

Nakaramdam siya ng pagkaawa habang nakatingin rito at pinakikinggan ang bawat salitang sinasabi nito. Kung tutuusin ay may punto ito. Since the day she walked into this world, natatak na sa isipan niya kalaban ang mga dark at duellum wizards. But what if, someone out there who still have a heart at nagkataon lang na napabilang ito sa mga ito.

"In mortal world, we felt like we belong there."

"Kung ganoon bakit pa kayo nagbalik dito?" Takang tanong niya.

"Because we're still hoping that there's still a place for us in here," sagot na an nito.

Napaisip siya. Should she believe him? After all the things he've done? He killed Qetsiyah. He take away the Glacies Kingdom and Ridge is in critical state right now. So no, he won't forgive him. If he really meant what he said, they will stop right now.

"You won't deceive me. Why don't you just stop, then we will let you go," mariing sabi niya dahilan lara mapangisi ito sa kanya.

"Well it's too late for that."

Then he attack her again. Lumaban si Tyler. Now they were giving all the power they have. Parehong ayaw magpatalo. On the otherside, the dark wizards and duellum wizards were nearing the well. Dean and the others didn't notice what they're planning to do. Maging ang pagkawala nina Cald at Luna ay hindi na napansin ng mga ito.

They were all busy fighting. Fighting to bring back the peace in Magus World.

"You know it makes me wonder," simula ni Jullian habang patuloy ito sa pag-atake sa kanya. Siya naman ay sinasangga lamang ang mga atake nito at kapag nagkakaroon ng pagkakataon ay siya naman ang gaganti rito.

"How the hell did you got that necklace back?" kunot noong tanong ni Jullian kay Tyler. "I was sure that when Jared gave that to me, I already destroyed it."

Napangisi na lamang siya sa tanong nito. Right when they got back to Magus World, bigla na lamang iyon lumitaw sa leeg niya. Maging siya ay hindi niya alam kung bakit at paano. Pero hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay nabawi niya ito ng ganun-ganon lang at walang kahirap-hirap.

Napahawak siya sa kwintas at ipinikit ang mga mata. Marahil ay tama na ang pakiramdaman nila ni Jullian at dapat na niyang gamitin ang kapangyarihang taglay ng kwintas na iyon. The power of Sabria and also the power of other legendary lumen wizards.

EnchantedWhere stories live. Discover now