Chapter 31: Two Worlds

2.5K 64 6
                                    

Chapter 31

Magkahawak ang kamay nina Tyler at Phoenix na lumabas ng Cueva del Agua. She's so happy right now na hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi niya. Habang si Phoenix naman ay maliit na ngiti sa labi. She knew that Phoenix is really happy, sadyang hindi lang ito expressive katulad niya.

They sorted things out. Ngayon ay hindi na niya kailangan pang magmukmok sa isang tabi dahil naipaliwanag na rin naman ni Phoenix ang lahat sa kanya. He likes her that's for sure now. Although hindi pa naman siya nito mahal, masaya na siya na kahit paano ay gusto na rin naman siya ni Phoenix. Pasasaan ba't matutunan din siya nitong mahalin.

Tinignan niya muli si Phoenix at nagtama naman ang tingin nila kaya naman napangiti na lamang siya pero agad rin nabura ang ngiting iyon ng ganun-ganon lamang. Standing in front of them were two Dark Wizards and three Duellum Wizards. Hawak ng dalawang dark wizards ang walang malay na si Ridge.

"Took you long enough, Ein," nakangising sabi ng isa sa mga Duellum Wizards.

Agad na nagpunta sa harapan niya si Phoenix at itinago siya nito sa likod. Phoenix was about to attack them pero pinigilan niya ito dahil sa takot na baka masaktan si Ridge.

"What do you want?" tanong niya sa mga ito at mas lalong lumawak ang ngisi noong nagsalitang duellum kanina.

"We want you to come with us. The two of you kung ayaw niyong tuluyan ko na tong Ignis na ito."

Nagkatinginan sila ni Phoenix at umiling lamang ito sa kaniya.

'I can take them. Kaya ko,' pagkausap ni Phoenix sa kanya gamit ang isipan pero umiling lamang siya.

'I know. I trust you but I don't trust them. Baka kung anong gawin nila kay Ridge,' nag-aalalang sabi niya kaya naman walang nagawa si Phoenix kundi sundan na lamang siya.

Lumapit ang dalawang duellum wizard sa kanila at may kung anong itinurok sa kanilang dalawa dahilan para magdilim ang paningin niya. Huling kita niya ay si Phoenix na tulad niya ay nawalan din ng malay.

Nagising si Tyler sa isang kwarto na pamilyar sa kanya. Kinurap-kurap niya pa ang mga mata niya upang masanay na sa liwanag bago niya inilibot ang paningin. Those paintings, the color of the room, the mirror cabinet.

Napabalikwas siya ng bangon at tinignan ang kamang kinahihigaan niya. Naguguluhan siyang sinuri rin ang sarili kung may mga sugat siya o kung ano man ang ginawa ng mga duellum at dark wizards na mga iyon pero wala. This is weird. What the hell is she doing inside her own room? Her own room in Mortal World?

"Oh, you're awake?" nanlaki ang mata niya nang makita ang pumasok sa kanyang silid.

"Jared?!"

"The one and only! O siya, kumain ka na muna," nakangiting sabi pa nito at inilapag ang pagkain sa may side table niya.

What the hell is happening? Anong ginagawa niya sa loob ng kaniyang kwarto? Sa Mortal World? Ang naaalala niya ay kinuha sila ng dalawang dark wizards at tatlong duellum wizards tapos ngayon nandito na siya na parang wala man lang nangyaring kung ano pa man?

'Is it all just a dream?' natanong na lamang niya ang sarili habang tinitignan si Jared na parang normal lamang ang pagkilos at nakaupo sa harap ng salamin kung saan maarte nitong inaayos ang buhok.

Napahawak na lamang siya sa Lumen Necklace na suot niya pero wala iyon sa leeg niya. Tinignan niya pa ang kamang hinihigaan at ang ilalim ng kanyang unan pero wala talaga iyon doon.

Nagmamadaling tumayo siya at humarap rin sa salamin upang makita ang kanyang itsura. Laking gulat niya nang makitang normal ang itsura niya. Jet black hair and eyes at maging ang complexion niya ay bumalik na rin sa dati. Nanghihinang napaupo siya sa tabi ni Jared.

EnchantedWhere stories live. Discover now