Chapter 14: Ridge Ignis

4.2K 110 4
                                    

Ignis Kingdom at the multimedia :)

This chapter is dedicated to @Warren_MTAVP

Chapter 14

Hindi niya maalis ang tingin sa dalawa habang si Luna naman ay kanina pa siya sinisiko dahil hindi niya maalis ang tingin sa dalawa.

"Matutunaw na siya," sabi ni Luna.

Tinignan niya ito ng masama para tumigil. Natahimik naman ito kaya muli niyang ibinaling ang tingin sa dalawa. Kung tutuusin wala namang ginagawa ang dalawa. Nakaupo lamang sila habang si Katerina ay salita nang salita at si Phoenix naman ay tahimik lamang.

"You know, simula pa pagkabata, malapit na si Katerina kay Phoenix," sabi ni Cald kaya napatingin siya dito.

"Malapit si Phoenix sa dating reyna ng A'ris, si Queen Karin at sa dating hari na si King Edward. Kaya naman nang mamatay si Queen Karin ay madalas siyang narito upang samahan si King Edward. Masakit para sa isang asawa ang maiwan. Kaya naman kasama siya ni Katerina sa paglaki."

Nakita niya ang mapait na pagngiti ni Cald.

"Simula noon hanggang ngayon, gusto na ni Katerina si Phoenix. Pero hanggang nakakabatang kapatid lamang ang tingin ni Phoenix dito."

"Matagal nang namumuhay si Phoenix, kailanman, hindi man lang ba siya sumubok magmahal ng iba?" tanong ni Luna kay Cald.

"That, hindi ko alam. Lumaki rin ako na nandyan na si Phoenix. Nakamasid lamang siya lagi sa mga nangyayari sa Magus World at tumutulong kapag kinakailangan. Hindi man lang siya tumatanda sa paglipas ng panahon. Siya rin ang naging master ko at nagturo sa akin ng lahat ng dapat matutunan tungkol sa Magus World. Pero ni minsan, hindi ko siya nakitang tumawa o ngumiti man lang ng totoo."

Muli akong tumingin kay Phoenix. Nanatili lamang ang atensyon niya sa dinadaanan namin habang patuloy si Katerina sa pagkukwento sa kanya.

Nakarating kami sa Ignis. Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang kaharian na ito. It was actually a castle at the center of a volcano. Kaya naman ramdam na ramdam namin ang init na nagmumula sa bulkan.

Hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman e. Mamangha dahil hindi ko akalin na makakakita ako ng ganitong palasyo sa gitna ng isang bulkan o matatakot dahil baka bigla na lamang sumabog ang bulkan.

Pagbaba namin ay napanganga na lamang ako sa ganda ng palasyo. Katulad ng A'ris Kingdom, napakanganda rin ng Ignis Kingdom.

Pagpasok namin ng palasyo ay bumungad sa amin ang dalawang napakalaking larawan. Katulad lamang din iyon ng nasa A'ris Kingdom. Si Clyde at ang asawa niyang si Jana pati na rin si Shanel at ang anak niya na si Sabria.

"Dito nagmula si Clyde Ignis, ang ama ni Diel," sabi ni Cald.

Napanganga siya at napatingin dito.

"Diel?" tanong niya. Si Diel na pinili ni Sabria? Si Diel na kalaban ni Phoenix sa puso ni Sabria? At si Diel na asawa ni Sabria?

Tumango lamang si Cald kaya naman agad siyang napatingin kay Phoenix. Pero wala man lang itong reaksyon at patuloy pa rin sa pagalakad.

Ipinakilala siya sa hari ng Ignis Kingdom na si Thomas. Kinausap siya ng mga ito pero ang buong atensyon niya ay na kay Phoenix lamang.

Gusto niyang malaman ang nararamdaman nito. Ang kaharian na ito, dito nanggaling si Diel. Gusto niyang malaman kung ano ang totoong nararamdaman nito. Alam niya na nasaktan ito sa mga nangyari pero hanggang ngayon ba? Pagkatapos ng ilang libong taon?

"Gusto kong ipakilala sa inyo ang aking anak, si Ridge. Siya ang makakasama niyo," nakangiting pakikilala ni King Thomas.

Tumingin siya rito. Noon niya nasalubong ang mga matang pamilyar sa kanya. Mga matang ilang beses na niyang nakita sa panaginip niya. Iyon na ata ang pinakamalungkot na matang nakita niya. Kung walang emosyon ang mga mata ni Phoenix, ang mata naman nitong si Ridge ay nagsusumigaw ng kalungkutan. Ngunit napalitan iyon ng galit nang bumaling ang mata nito kay Phoenix.

EnchantedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora