Chapter 18: Dreams

3.8K 103 3
                                    

Chapter 18

Walang tigil sa paglandas ang luha ni Tyler ng makita na ibalibag nang lalaki ang babae. Umagos ang dugo nito sa kanyang binti. From there ay nalaman niya na buntis ito.

"Mommy!!!" sigaw nang isang babae nang makita ang nangyari.

"YOU'LL PAY FOR THIS!!" galit na galit na sigaw niya sa lalaki.

Nagsimulang maging kulay puti ang mata niya. Nagsiliparan din ang mga bagay-bagay na nasa lugar na iyon. Mabilis na kumilos si Phoenix at binuhat ang babaeng buntis paalis sa lugar na iyon. Kinuha niya rin ang iba pang mga wizards na naroroon hanggang sa ang lalaki na lamang na umatake sa babaeng buntis kanina at ang galit na galit na babae.

Pinagmasdan ni Tyler ang babae. Hindi niya maintindihan but she can feel this kind of connection na hindi niya maintindihan. She can feel the rage na pinagmumulan ng malakas na kapangyarihan ng babae. She can also feel her power that consumes her being. She wanted to see her face pero napakalabo ng mukha nito kaya naman hindi niya makilala kung sino iyon. Tanging si Phoenix lamang ang nakikilala niya sa lugar na iyon.

Sinugod nito ang lalaki pero agad nakaiwas ang lalaki at nagpakawala ng nag-aalab na apoy. Umiwas ang babae pero nagawang mahagip ng apoy nito ang kanang kamay ngunit mabilis din iyong naghilom. Sa muling pagsugod ng babae ay bigla na lamang naglaho na parang bula ang lalaki.

Ngayon mag-isa na lamang ang babae pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagwasak ng mga bagay na nakikita niya. Gustong sumigaw ni Tyler na tama na pero sa lugar na iyon, walang nakakakita o nakakarinig sa kanya.

Nakita niya na muling bumalik si Phoenix. Nang makita nito ang babae ay walang pagdadalawang isip na lumapit siya sa babae at niyakap ito ng mahigpit.

"I'm here, Sab."

Doon na kumalma ang babae na ang hinala niya ay si Sabria. Nagtatakang napayakap siya sa sarili nang makaramdam ng kakaibang init na para bang may yumayakap din sa kanya.

"Si Mommy. Yung baby," paulit-ulit na sabi ni Sabria. Humigpit ang yakap ni Phoenix kay Sabria at naramdaman din iyon ni Tyler.

Hinihingal si Tyler paggising niya. Inilibot niya ang paningin at napansing hindi siya pamilyar sa paligid. Matapos ang nangyari kahapon ay hindi na sila bumalik pa sa Terrae Kingdom. Tanging si Dean at Phoenix na lamang ang bumalik doon upang ibalita sa buong kaharian ang pagpanaw ng kanilang reyna habang sila naman nina Cald, Luna at Ridge ay nauna ng nagtungo sa Glacies Kingdom. Marahil ay nakatulog na siya sa daan nila patungo dito at ngayon ay nasa loob siya ng isa sa mga silid ng Glacies.

Napahilot nalamang siya sa sintido niya nang maramdaman na kumirot ito. Muling bumalik sa isip niya ang nangyari sa kanyang panaginip.

Simula pagkabata ay kakaiba na ang mga nasa panaginip niya. Mga pangyayari iyon na hindi niya maintindihan. Pero ang panaginip niya kanina, kung saan naroon si Phoenix at Sabria ang lalong nagpagulo sa isip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit bawat emosyon at pakiramdam ni Sabria ay nararamdaman niya. Kung galit ito, masaya o nasasaktan, nararamdaman niya rin iyon na para bang siya rin mismo si Sabria.

Napatigil siya sa iniisip at mabilis na nagtungo sa salamin na nakita niya kanina.

Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon at inalala ang larawan ni Sabria na nakita niya. Magkahawig nga sila, magkamukha pero may pagkakaiba pa rin sa kanilang itsura maliban sa kulay ng buhok niya at kulay ng mata.

Napailing na lamang siya sa naisip. Paanong siya si Sabria? Imposible naman ang kanyang naiisip.

"You're awake."

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon