Chapter 32: Escape

2.4K 64 0
                                    

Chapter 32

Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay bahagya pa siyang nagulat nang makita si Jared na nasa harapan niya at takang nakatingin sa kanya.

"Are you okay?" tanong nito sa kanya at tumango lamang siya.

"I just remembered the dream that I had. Asan pala sina Alyssa at Luna?" kunwaring tanong niya rito at ngumiti naman ito sa kanya.

"Pupunta daw dito si Alyssa mamaya samantalang si Luna naman ay umalis. Hindi ko nga alam kung nasaan ang babaeng iyon e," natatawang sabi pa nito at kunwari namang nalungkot siya.

"Baka naggala nanaman," sabi na lamang niya at nagkibit balikat naman si Jared sa kanya.

"Pano, mauna na ako. Simula kasi kahapon ay ako ang nagbabantay sayo. Papunta na rin naman dito si Alyssa para siya naman ang magbantay sayo."

Akmang aalis na ito nang pigilan niya ito.

"Si Mama? Nasaan siya? Hindi ko pa siya nakikita," tanong niya at pilit na itinago ang kabang nararamaman niya. Tahimik siyang nanalangin na sana ay walang nangyaring masama sa kanyang ina.

"Ah. Bumili lamang siya ng gamot mo. Babalik na rin naman siguro iyon. Magpahinga ka na muna habang hinihintay mo silang dalawa," sabi nito at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Pinakiramdaman niya muna ang paligid niya kung tuluyan na talagang nakaalis si Jared. Meron lamang siyang isang pagkakataon upang maisagawa ang kanyang plano dahil kapag nahuli siya ng mga ito ay paniguradong mas magiging mahirap na para sa kanya ang makabalik.

Dahan dahan siyang tumayo sa kama at binuksan ang pintuan niya pero laking pagtataka niya nang hindi niya magawang mabuksan iyon.

'No'

Nagtungo siya sa may bintana niya at binuksan iyon. Dumungaw siya mula doon at nakita ang may kataasang babagsakan niya. Kung tatalon siya sa may bintana ay paniguradong masasaktan siyang talaga at malaki ang posibiledad na mapilayan siya. At sa lagay niya ngayon ay hindi niya magagawang pagalingin ang sarili. Masyado siya mahina para magamit ang kanyang kapangyarihan.

"Bahala na!" nasabi na lamang niya sa sarili at umakyat sa bintana. Nasa ikalawang palapag ang kanyang kwarto kaya naman may kataasan talaga ang tatalunan niya. Pikit mata siyang tumalon mula doon at impit na namalipit sa sakit na naramdaman niya sa kanyang kanang paa nang tuluyan na siyang makatalon.

Dinilat niya ang kanyang mata at nakita ang panlalabo noon marahil ay dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Maliban kasi sa napilayang paa ay meron rin siyang natamong mga sugat at meron siyang malaking sugat sa kanyang siko.

Kinurap-kurap niya pa ang kanyang mata at nang luminaw na ang kanyang paningin ay pinilit niya ang sarili na makatayo. Iika-ikang tinahak niya ang daan palabas sa bahay nila. Merong pagmamadali sa kanyang mga kilos at kung maayos lamang ang paa niya ay kanina pa siya tumatakbo.

"Aaarrghh!" daing niya nang namali niya iapak ang kanang paa pero mabilis niyang ininda iyon at nagpatuloy na naglakad.

Patuloy siyang naglakad hanggang sa makalayo na siya sa kanilang bahay pero napahinto siya nang makita niya si Alyssa.

"Oh my gad, Tyler!"

Nagmadali ito palapit sa kanya at tinignan ang kabuuan niya.

"Anong nangyari sa'yo? Akala ko ba anemia lang ang dahilan kung bakit hindi ka nakakapasok nitong mga nakaraang araw pero bakit ganiyan ang itsura mo?!" bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Bitawan mo ko, Alyssa. And please, hayaan mo nalang ako kung talagang naging kaibigan kita," malamig na sambit niya rito at nagpatuloy sa paglalakad habang nananalangin na sana nga ay hayaan siya nito.

EnchantedWhere stories live. Discover now