Chapter 10: Cald's Perseverance

4.5K 119 5
                                    

A/n: Kung mapapansin niyo guys, mabagal ang daloy ng story na ito unlike the first two books. Since this will be the last book, I want it to be more detailed so expect niyo na mas mahaba ito kesa sa naunang dalawa. Thank you readers :)

Chapter 10
"Come on. Please?"

Napabuntong hininga nalang si Tyler. Simula nang makausap niya si Cald ay hindi na siya tinigilan nito sa pangungulit sa kanya na sumama sa mga ito. Pareho lang naman ang nakukuhang sagot nito pero wala pa ring palya ang pangungulit nito sa kanya araw-araw. Akala nga ng iba ay kinunukulit siya nito na makipag-date dito. Kung alam lang nila.

"You asked the same question a few minutes ago. Naisip mo ba na ganoon kadali magbago ang sagot ko? The answer is no. Kahit ilan beses mo pa akong tanungin, ganun pa rin ang sagot ko kaya naman lubayan mo nalang ako," naiiritang sabi niya rito.

Napasimangot naman si Cald pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy na maglakad papasok sa room nila. Kakatapos lang ng lunch break at iniwan na siya ng mga kaibigan niya nang makita ng mga ito si Cald at Phoenix. Alam naman kasi ng mga ito na kukulitin lamang siya ni Cald para sa isang 'date'

Si Phoenix naman ay sumabay na rin sa mga kaibigan niya. Napapansin niya na kahit na laging magkasama sina Cald at Phoenix ay hindi naman kinakausap ni Phoenix si Cald. Marahil ay tahimik lang talaga ito okaya naman ay nakukulitan din siya kay Cald.

Nagulat siya nang hilahin siya ni Cald palapit dito. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang lumuhod ito. Nanlalaki ang matang nakatingin siya sa lalaki.

"A-anong g-ginagawa mo?!" inis na tanong niya. Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit at hiya. Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante! Ang iba ay lumabas pa sa mga rooms nila para maki-isyoso kung ano ang nangyayari sa labas.

"Please, Tyler! Pagbigyan mo na ako!" pagmamakaawa pa ng mokong.

Gusto niyang sabunutan ang lalaki pero maraming mata ang nakatingin at alam naman niya na sa ikli ng panahon na nandito si Cald ay marami na itong tagahanga sa mga babae. Aminado siya na gwapo ito sadyang mayabang lang at pilyo.

"Tumayo ka nga!" suway niya dito pero umuling lang ako.

"Hindi ako tatayo at aalis dito hanggat hindi ka pumapayag!" matatag na sabi nito.

Pinakatitigan niya ito. Nakikita niya sa mga mata nito na seryoso siya. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung ano ang naghihintay sa kanya sa Magus World. Hindi mananatili ng ganito katagal ang mga ito kung hindi sila pursigido na dalhin siya sa mundong iyon at base na rin sa mga pinaggagawa ni Cald. Napapaisip tuloy siya kung bakit ganoon kaimportante sa mga ito na dalhin siya sa mundong iyon.

"Tumayo ka na. Hindi mo ako madadaan sa ganyan."

Nakita niya ang pamumula ng mga nito na para bang maiiyak na. Kung hindi lang niya kilala si Cald ay baka nagbago na agad ang isip niya pero hindi. Alam niya na isa lang ito sa mga paaraan ni Cald upang makumbinsi siya na sumama sa mga ito.

Hindi niya ito pinansin at nagmadali na siyang pumasok sa room nila pero hanggang doon ay hindi pa rin siya tinigilan ng lalaki hanggang sa dumating na ang professor nila.

"Tyler!"

Mariing ipinikit ni Tyler ang mga mata niya at humigpit pa ang kapit sa bag niya habang nagtatago sa ilalim ng teacher's table.

Pagkatapos ng klase nila kanina ay dali-dali siyang lumabas ng room nila para lamang matakasan si Cald pero agad din siyang nasundan nito. Nagpa-ikot ikot lang sila sa building nila hanggang sa makabalik sila sa room nila. Bago pa siya makita ni Cald ay mabilis na siyang nagtago sa ilalim ng teacher's table.

EnchantedWhere stories live. Discover now