Chapter 35: The Protector

2.4K 73 3
                                    

Chapter 35

"Put him in here!" nagmamadaling sabi ni Phoenix kina Cald at Dean na nakaalalay sa wala nang malay na si Ridge.

Nagmadali naman ang dalawa na ibabad ang katawan ni Ridge sa lawa ng Cueva del Agua. Dean's power to heal is not enough to heal Ridge's wounds. Aside from broken bones and his wounds, Phoenix's knew that Ridge's internal body is also damage.

Gusto niyang bumalik doon dahil hindi siya mapalagay na naiwan doon si Tyler mag-isa. Gusto niyang bumalik doon upang iganti ang ginawa ng lintik na Jullian na iyon kay Ridge. They may not get along too well just like him and Cald ay naging malapit na rin ito sa kanya kahit papaano.

"Phoenix," tawag pansin sa kanya ni Cald na nanatili ang mga mata kay Ridge. "He's not waking up."

Napakunot noo siya nang makitang naghilom na ang halos mga sugat ni Ridge pero hindi pa rin nga ito nagigising.

"Maybe he is just too exhausted. He may need to rest," sabi ni Dean habang nakatingin din kay Ridge.

Nagdesisyon si Cald at Dean na bumalik na muna sa Terrae habang hinihintay na magising si Ridge upang sabihan sina Katerina, Luna at iba pa tungkol sa pagsisimula ng isang laban. Para na rin masabi ng mga ito na kasalukuyan naghaharap ang dark prince at si Tyler sa mga oras na iyon.

Almost all the lumen wizards decided to go to the Dark Castle. Iilan lamang ang naiwan sa Terrae. Sapat na upang protektahan ang palasyong iyon. At sa pangunguna nina Cald at Dean ay sinugod nila ang Dark Castle kung saan may mga naghihintay ng dark wizards at duellum wizards doon.

Then the bloody war started. Kung tutuusin ay mas marami ang mga lumen wizards kesa sa dalawang uri ng wizards na kalaban. Kayang-kaya naman nilang talunin ang mga ito. But something is off with these two wizards.

"They're not fighting," sabi ni Luna na nakapagpabaling kay Cald sa kanya.

"What?!" tanong ni Cald sabay atake sa kaharap pero sinangga lamang nito iyon.

"They're just defending themselves. Kahit anong sugod natin at atake natin sa kanila ay hindi sila gumaganti at dinedepensahan lamang nila ang kanilang sarili," sabing muli ni Luna at inihinto ang pag-atake sa dark wizards na kaharap.

"What are you doing?!" may galit na sabi ni Cald nang makita siyang huminto. Nang mapabagsak ni Cald ang kaharap ay sinugod naman nito ang kalaban ni Luna kanina.

"Stop Cald! Something is off!" sigaw niya at pinigilan ang atake nito.

Tumigil si Cald maging ang kaharap nila na nakangisi sa kanila. Akma muling aatake si Cald pero pinigilan lamang siyang muli ni Luna.

"Look!" sabi ni Luna at ipinakita ang paligid.

She's right. The dark and duellum wizards were not fighting back. They were just defending themselves at tumatakbo patungo sa isang direksyon. Binalingan ni Cald ang dark wizard na kaharap at nakangisi lamang ito sa kanilang dalawa bago tumakbo papunta sa isang direksyon.

Kunot noong sinundan nina Cald at Luna ang dark wizards na iyon at laking gulat na lamang nila nang nasa harapan na sila ng balon na siyang lagusan patungo sa mundo ng mga tao.

"What the hell?" nasabi na lamang ni Cald nang tumalon iyon patungo sa mortal world.

"They're all leading us to the Mortal World," nasabi na lamang ni Luna.

"But why?" takang tanong ni Cald pero hindi rin nasagot ni Luna.

Tinignan nila ang mga lumen wizards na patuloy na lumalaban habang hindi nila napapansin ang plano ng mga dark at duellum wizards.

EnchantedOn viuen les histories. Descobreix ara