Kabanata 6

1.1K 65 18
                                    

Austrianna

Napamaang ako rito nang lumuhod siya sa harap ko. Nakatukod ang isa nitong tuhod sa kalsada, habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi ko. Pantay na ang taas namin at kahit na anong pag-iwas ang gawin ko ay hindi ako makawala sa kamay niya.

“Huwag kang matakot sa akin, Aria. Hihintayin kita hanggang sa maging legal na ang edad mo. Ako na ang bahala sa pamilya mo na kumausap para kunin ka sa kanila. Sa ngayon ay liligawan muna kita, hindi naman ako nagmamadali sa sagot mo. Alam ko naman na kahit hindi mo ako sagutin, you are still mine...”

“H-Ha? E...” H-Hindi ko alam ang sasabihin. Binigla niya kasi ako. Ano naman ang alam ko sa mga kasal-kasal na iyan? Nagbaba ako ng tingin sa maugat nitong kamay at pinag-isang linya ang labi. “B-Bakit naman kita papatulan? E, magsusundalo ka. At saka, galit ang pamilya ko sa mga sundalo. Kaya hindi nila ako papayagan na mapunta sa iyo,” pagdadahilan ko.

Isa pa ay natatakot akong magsilang ng sanggol kapag ako ay nagka-asawa.  Napakasakit niyon. Nasaksihan ko na ang panganganak ng aking Ate Alicia nang mabuntis siya ng kanang-kamay ni ama—na ngayon ay asawa na niya. Pinagsisilbihan din ni ate ang asawa niya palagi. Iyon lang ang natutunan kong pag-aasawa.

Sinubukan kong kumawala rito, ngunit hindi niya ako hinayaan. Luminga-linga ako, at napansin ko ang kaibigan ko na kasama ang boyfriend niya na nauna na sa amin. Naghaharutan ang mga ito at hindi naman kami pinapansin.
Ano ba naman itong si Cora? Iniiwan niya ako rito.

Nang lumingon ako sa pinanggalingan namin ay walang katao-tao. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa lalaki.

Nagtiim-bagang ito nang mapansin na sa iba ako nakatingin. Ipinihit nito ang mukha ko paharap sa kaniya. “Sa akin ka tumingin. Huwag sa iba,” anito sa mariing tono.

“E, bakit ba?” inis kong tanong.

Napahinga ito nang malalim. “Huwag kang magpapaligaw sa iba, hmm? Hintayin mo ako at hihintayin ko rin ang paglaki mo.”

Napamaang ako nang may biglang lumapat na basang bagay sa bibig ko.

Tila ako natuod sa nangyari. Naguluhan pa ako noong una kung ano ang bagay na iyon, pero nang mapansin ko na magkadikit ang aming mga labi ay naitulak ko ito. Humiwalay ang labi nito sa akin at lumikha pa ng tunog na ikinaluha ko.

Tumigas ang aking mukha laban dito at lumayo. Alam kong mali ang ginagawa niya sa akin. Bata pa ako. Hindi ba siya natatakot, lalo’t magsusundalo pa naman siya?

Tumayo ito at ngumiti sa akin na tila ba wala lang ang ginawa niyang paghalik sa akin. Dahil doon ay lalo akong napaiyak.

“Sa susunod ay huwag ka nang maglagay ng kulay sa labi, Aria. Mas lalo mong pinipigtas ang pasensiya ko, at ayokong mangyari iyon habang naririto pa ako sa academy,” aniya na seryoso na ang tabas ng mukha.

Luhaan ko itong tiningnan at maka-ilang beses na pinunasan ang bibig gamit ang likod ng palad.

Muli akong umatras nang tangkain nitong pigilin ang kamay ko. Ayan na naman siya, nakakatakot na naman ang tabas ng mukha. “H-Huwag kang lumapit. A-Ayoko na sa iyo, Martin.”

Gumalaw ang panga nito at matiim akong tinitigan. Ilang saglit pa bago ito magsalita.

“Kahit na ano’ng mangyari, kukunin kita sa pamilya mo, Aria. Wala akong pakialam kung ayaw nila sa akin, ang mahalaga ay hindi ka papanig sa kalaban namin. Dito ka lang sa tabi ko, naiintindihan mo ba?”

Nanlaki ang mga mata ko at napamaang dahil sa ipinakita nitong kagaspangan ng ugali.

Kukunin niya ako sa pamilya ko? Lalo na kay ama?

Armed and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon