Kabanata 1

5.8K 161 28
                                    

Austrianna

"NAY..."

Dahan-dahan akong nilingon ni ina, puno ng kalungkutan ang mga mata habang tahimik na gumagawa ng apoy para sa gabing ito.

Huminga ito nang malalim at ibinalik din ang tingin sa ginagawa.

Namulsa ako't naupo sa duyan na nakatali sa magkabilaang puno.

Batid ko ang dahilan kung bakit siya nagkaka-ganiyan...

"Ina, huwag ka nang malungkot. Ang higanti ay darating din sa mga tao na iyon," mahinang saad ko sa gitna ng katahimikan na bumabalot sa pagitan namin. "Maghintay lamang sila dahil balang-araw ay luluhod sila sa harapan ko't mangingisay sa sakit. Ang sandata ko na ito ang babaon sa mayaman nilang mga balat."

Humigpit ang hawak ko sa aking itak na si ama pa mismo ang nagdisenyo. Ito ang itak na tatapos sa mga taong pumaslang sa aking ama't mga kapatid. Dinisenyo ito upang kumitil ng buhay ng mga tao...

Mabilis na nilamon ng liwanag ang madilim na kagubatan nang makagawa na si ina ng apoy gamit ang mga kawayan na pinagkiskis.

Ang iba naming kasamahan ay nagpapahinga sa 'di kalayuan at nagkakasiyahan. Batid kong pagod sila sa maghapong pagtuturo at pag-e-ensayo para sa mga bagong anib o recruit sa grupo namin.

Ang mga estudyanteng nasayang ang talino dahil mas pinili nilang labanan ang gobyerno't talikuran ang lahat sa kanila. Tulad din ng aking naging kapalaran...

Mapait akong ngumiti sa kawalan.

Kailangan kong maghiganti...

Iyan na ang matagal nang nakatatak sa aking isipan simula pa lamang nang patayin nila ang ilang miyembro ng aking pamilya.

"Isa ka ngang magaling na pinuno at berdugo, Ria. Iyan ang hangarin na matagal nang minimithi ng iyong ama para sa iyo noong humihinga pa ito. Ipagpatuloy mo lamang iyan." ang wika ng aking ina matapos ang ilang minutong katahimikan.

Wala sa sarili akong napalunok habang naniningkit ang mga mata na nakatingin sa buwan.

Iyon ang bagay na pinaka-ayaw kong makita sa tuwing sumasapit ang dilim. Naaalala ko lamang ang mga nakakadiring alaala namin ng lalaking iyon...

Pumikit na lamang ako't pinayapa ang sarili. Ayokong alalahanin pa ang talipandas na iyon. Nandidiri at nagagalit lamang ako sa sarili ko dahil pumatol ako sa isang tulad niya, isa ring mamamatay-tao na katulad ko...

Napadilat ako bigla nang may tumikhim sa 'di kalayuan.

Nang lingunin ko ay si Alicia pala, ang aking kapatid na natitira na lamang sa amin.

"Alicia..." bulalas ko't napayuko.

"Istupida!" biglaang sigaw nito kaya't napansin ko ang pagkatigil ng lahat. "Huwag kang yuyuko sa sino man! Tandaan mo kung ano ang puwesto mo rito, Austrianna! Duwag lamang ang yumuyuko!" galit nitong pangaral sa akin kaya't mabilis kong kinumpostura ang sarili.

Tumigas ang mukha ko at nawalan ng emosiyon.

Galit niya akong nilapitan. "Kapag nangyaring nakaharap mo na ang isa sa mga taong lumapastangan sa pamilya natin ay yuyukod ka ba sa kanila? Ikaw ang pinuno't kumander ng ating grupo! Nararapat lamang na maging matigas ka at mapagmataas!" Dinuro nito ang noo ko, nagpapahiwatig na itanim ko sa aking kokote ang mga sinasabi niya.

Batid ko naman iyon. Hindi na niya kailangang sabihin pa...

"Matagal nang nakatatak sa isip ko iyan, Alicia. Huwag mo akong sigawan dahil kaharap mo ngayon ang pinuno mo. Nararapat lamang na ilugar mo ang sarili mo." mariin kong sambit at tinampal ang kaniyang kamay.

Armed and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon