Kabanata 10

1.2K 63 10
                                    

Austrianna

Mabilis ang mga naging kilos namin matapos ang pag-uusap namin ng lalaki.

Halos kalahating oras din ang iginugol namin sa biyahe papunta sa opisina ng gobernador.

At... hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. Nakatatak pa sa isip ko ang nangyari noong huli naming pag-uusap at pagkikita.

Kukunin niya sa akin ang karapatan kong makasama ang aking pamilya, ano ang gusto niyang iparating? Nais na naman niya akong angkinin at pikutin? Utuin, tulad ng ginawa niya sa akin noon?

Tapos na ang panlilinlang niya sa akin noong bata pa ang isip ko. Hindi ko na hahayaan pang kontrolin niyang muli ang buhay ko. Hindi na, tapos na ang lahat sa amin. Ang kapal ng mukha niya...

“Kumander...”

Sandali akong tumigil sa pagmamasid sa paligid. Naputol ang mga iniisip ko dahil sa pagpukaw sa akin ni Ka Benjo.

“Hindi ba’t napakadelikado para sa atin, lalo na sa iyo, na harapin ang kumander nila? Baka bigla nila tayong paghinalaan at dakmain.” Nahintakutan ito.

Napahinga ako nang malalim at muling ibinalik sa labas ang tingin.

Iyon din ang aking inaalala. Batid kong alam ni Martin ang sikreto ko bilang pinuno ng mga rebelde. Masuwerte nga ako noong nakaraan dahil hindi niya ako puwersahang dinakip, sa halip ay pinagbantaan lang. May pagkakataon na siya noon na dakpin ako dahil alam naman niya kung ano ako, pero hindi niya ginawa. Kung ano man ang pinaplano niya sa akin, dapat akong mag-ingat nang husto. Hindi siya basta-bastang sundalo lang, matinik ito at delikado.

Tutol man ako sa nais ni Malem na hadlangan ang panggigipit kuno ni Montehermoso sa gobernador, ay wala akong magawa upang umangal. Kailangan kong ibalik ang utang na loob ko kay Malem.

Hindi ko talaga gusto ang ideyang magkikita pa kami ng hudas na lalaking iyon. Sa totoong laban, oo. Pero sa ganitong pagkakataon? Hindi.

“Huwag kang mag-aalala, handa ang grupo riyan,” wika ko’t napangisi nang maalala ang pagpupulong namin na isinagawa.

Humanda ka, Martin...

Pagdating sa opisina ng gobernador ay naabutan namin ang mga sundalo na nakatayo sa tapat ng pinto at tila nagbabantay. Ang sektetarya ni Gobernador Poncio Malem ay agad akong nilapitan, batid ko na kampi ito sa amin.

“Ano na ang ganap sa loob?” agad kong tanong nang makalayo kami sa mga sundalo. Nasilip ko na kanina sa salaming pader ng opisina ang kumander ng mga sundalo at ang gobernador, abala pa ang mga ito sa pag-uusap.

Napahinga nang malalim ang babaeng sekretarya, tila ba namomroblema. “Iyon na nga. Naiipit si gob dahil kay Montehermoso. Humihingi sila ng partisipasyon at suporta, at hindi ito matutulan ni gobernador dahil manghihinala ang mga sundalo...”

Nagtiim-bagang ako sa narinig. Batid kong pinagpapawisan na ang singit ni gobernador, at malaki ang utang na loob ko sa kaniya kaya kailangan kong mag-isip ng paraan upang matigil ito.

Tumango-tango ako rito at nagpasalamat. Mabuti na lamang at balot ng tela ang buo kong mukha at katawan, tanging mata lamang ang nakalitaw sa akin. Nakakapikon kasi ang pagtingin-tingin sa akin ng mga kasama ni Montehermoso na sundalo. Pamilyar sila sa akin, pero ang iba ay hindi.

Tandang-tanda ko na ang iba sa kanila ay ang mga kasamahan niya rin noon sa PMA, ang mga kaibigan niya. Tiyak ko na kung nakalitaw ang mukha ko ngayon makikilala nila agad ako.

Hindi ko pa alam kung alam ba nila na nagrebelde ako, baka nasabi na sa kanila ni Montehermoso ang patungkol sa nangyari noon. Hindi ko alam.

Biglang umalis sa tabi ko ang sekretarya nang lumabas ng opisina ang taong kinapopootan ko. Napatingin ako rito, at nagkatitigan kami nang matagal habang kinakausap niya ang mga kasama niya. Batid kong nakilala na agad ako nito ulit.

Armed and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon