Kabanata 18

1.3K 66 50
                                    

Austrianna

Tinahak namin ang daan pababa. Masukal ang daan ngunit hindi namin iyon alintana.

Iba’t ibang huni ng mga hayop ang umaalingawngaw sa gabing ’yon na nagbibigay kilabot sa aming dalawa. Sanay naman na kami sa ganoon, ngunit kung nasa ganito kaming sitwasyon kung saan kailangan kong tulungan sa pag-alis ang batang ito ay talagang nakakapanayo ng balahibo sa katawan.

Panay ang linga ko sa paligid upang masigurong walang nakakasunod sa amin, kundi ay todas talaga kami rito. Wala namang napapadpad o rumoronda rito na rebelde tuwing gabi pero kailangan pa ring mag-ingat.

Ngunit natigilan kami dahil sa biglaang pag-alingawngaw ng putok ng baril. Tila kay lapit lang n’yon sa puwesto namin kaya napayuko ako.

Pero tila ako binuhusan ng napakalamig na tubig nang bigla na lang matumba ang bata sa tabi ko.

Nanlalaking mga matang nilingon ko ito at agad na sinuri.

“Estela? Estela!” bulong ko rito nang natataranta. Inalog-alog ko ito, ngunit wala nang imik ang bata. Sinubukan kong buhatin ito, ngunit agad ding natigilan nang may makapang basa sa likod ng ulo nito.

“D-Dugo?” wala sa sariling naisambit ko at natulala sa mukha ng bata na wala nang malay.

N-Nabaril siya?

Putang ina!

Agad kong nilingon ang pinanggalingan namin dahil base sa tama ng baril ay tiyak akong galing lamang iyon sa likuran namin.

Hindi nga ako nagkamali dahil naroon at nakatayo ang nandidilim na mukha ni Alicia habang bitbit ang mahabang armas nito.

“Putang ina ka! Bakit mo ginawa ’yon?!” Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ’yon. Bigla na lang rumagasa ang sobrang galit sa sistema ko at agad itong sinugod.

Anak niya na galing sa laman at dugo niya, nagawa niyang barilin na lang nang ganoon sa ulo?

Nang makalapit ako rito ay kita ko ang pagngisi nito.

“Bakit? Ganiyan naman talaga ang ginagawa natin sa mga taong nagtatangkang kumalas sa grupo, a. Taksil ang batang ’yan, Ria. Marapat lang ang kamatayan diyan. Walang silbi, tsk,” wika niya na para bang naiinis pa siya.

Tila biglang lumaki ang ulo ko sa mga oras na iyon habang pinagmamasdan ang mukha nito na para bang nasiraan na ng isip.

Hindi ba siya nakakaramdam ng awa, kahit para na lang sa sarili niyang anak? Nagawa niyang patayin nang ganoon lang?

Sa hindi ko malamang dahilan ay nanginig ang kalamnan ko sa galit. Bigla na lang tumama ang kamao ko sa mukha nito na ikinatumba nito sa lupa.

“Putang ina ka, Ate! Mas masahol ka pa sa akin! Hayop ka!” nanggagalaiti kong sigaw at pinagsusuntok ang mukha nito. Tuliro ang aking isip kaya hindi ko na nagawa pang pigilan ang sarili. Hinayaan ko ang kamao ko na paulit-ulit na tumama rito upang mailabas lamang ang galit ko rito...

HINDI ko alam ang gagawin nang sumapit ang umaga. Sabay-sabay kaming nag-agahan. Ni hindi kami nagpang-abot ni Alicia sa aming agahan dahil tiyak ko na wala pa itong malay hanggang ngayon.

Pansamantala ko itong inilagay sa tent ko matapos kong gamutin ang mga sugat sa mukha niya. At ang anak niya, hindi ko alam kung saan ko ilalagay, kaya’t minabuti ko nang aminin agad kay ina ang nangyari.

Nagalit ito nang husto, lalo na sa akin dahil bakit ko raw hinayaan ang bata na magdesisyon nang ganoon. Malinaw na malinaw na sa akin napunta ang lahat ng sisi, na para bang pati pagpatay sa bata ay kargo ko rin.

Armed and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon