Wakas

2.9K 92 48
                                    

Zach Martin

“Ako si Austrianna ‘Ka Reyang’ Ali Gorospe, a former rebel from the province of Bukidnon. Apo ni Norman Ali na kilala noong malupit na terorista. Uhm, mag-uumpisa ho ako mula sa pinanggalingan kong pamilya. Ang nanay ko ho ay matagal nang miyembro sa grupo, samantalang ang ama ko ay na-anib lang dahil kay ina. Bata pa lang ako ay tinatakan na nila ako ng kuwentong paninira patungkol sa gobyerno at sundalo. By the way, anak ho ako ng kumander doon. Hindi ganoon kasaya at kapayapa ang naging buhay ko sa bundok kasama ang mga rebelde, masyadong nakaka-trauma ang ibang alaala ko roon...”

“Hindi ako napa-anib sa grupo noon dahil ayaw ng tatay ko. Hanggang sa dumating ang araw na kinailangan na ako nitong ilayo. Napadpad ako sa Baguio, sa puder ng mga tiyahin ko na dati ring miyembro ng grupo. Doon na rin po ako halos nagdalaga, pero nang magkolehiyo ay nalipat ako sa Manila. Isa sa mga sikat na unibersidad ang napasukan ko na alam kong pinamumugaran din ng mga rebeldeng recruiter...”

“Doon ko nakilala ang grupo na konektado sa pamilya ko.
Si Ka Erni ay isang opisyal na miyembro ng mga rebelde. Isang recruiter sa umaga, rebelde sa gabi. Si Ka Melisa naman ang aming propesor sa unibersidad na nagre-recruit din. Sila ang tumatayong leader at guro namin noon, madalas ay sa loob kami ng unibersidad nagka-‘klase’, kung saan tinuturuan kami kung papaano magtanim ng galit sa gobyerno at baguhin kuno ang sistema ng bansa. Nabe-brainwash ang lahat ng mga nakiki-isa sa klase na iyon. Na dumating pa sa puntong hindi na sila marunong rumespeto pa kahit sa magulang nila. Para na lang silang mga robot na kontrolado na ng iba ang isip, iniiwan na ang pamilya para sumama sa armadong pakikibaka. Sila ’yong mga kabataan na nais kuno solusyunan ang suliranin ng bansa, pero mismong problema sa pamilya nila ay hindi nila mai-ayos...”

Mataman kong pinagmasdan ang mga magulang na napaiyak na dahil sa huling sinabi ng aking asawa. Mga magulang na nawalan ng mga anak dahil nadagit ng mga rebeldeng grupo para lumaban sa pamahalaan. Sa hearing na nangyari ay nagkuwento ang mga sumukong rebelde mula sa iba’t ibang lugar, isa na roon si Aria na maayos na ulit ang memorya. Pinakasalan ko ito agad pagkalabas nito ng hospital at baka maudlot pang muli. And now, tinutupad niya kung ano ang nais ng ama niyang gawin niya.

“Ang pinakamaling ginawa ko sa buhay ko noon ay hinayaan kong pangunahan ako ng galit habang nagdedesisyon sa buhay. Nakakahiyang isipin na nagpakatanga ako noon, para lamang sa galit na wala namang katuturan. Palibhasa’y masyadong lumaki ang ulo ko, masyado akong nagmagaling habang kinakain ng galit. Tulad na tulad ng mga kabataang nakilala ko noon sa bundok. Galit, na sinabayan pa ng pangkokondisyon sa utak, ang naging dahilan kung bakit kami napunta sa ganoong sitwasiyon...”

“Noong una ay nasita po ako ng aking karelasyong sundalo nang mahuli niya akong nakikisama sa rally. Noong mga panahon po na ’yon, mayroon nang kaunting parte sa puso ko na tumitigas dahil nga po sa impluwensiya ng mga kasamahan ko, ’yong galit at agresyon po nila ang namana ko. Noong mga panahon na pinapahiwalay na ako ng karelasyon ko sa grupo, alam ko sa sarili ko na malalagay na sa kapahamakan ang buhay ko. Alam kong maghahabol sa akin sina Ka Erni at Ka Melisa. Kapag tumanggi ka na po sa kanila, roon na sila gumagamit ng dahas, mapasagot ka lang ng oo. Kaya po sila nakakahakot nang lalo pang marami ay dahil din sa dahas na pinaiiral nila. Madugo minsan ang kanilang pamamaraan ng pag-advocate ng pinaniniwalaan nilang ideolohiya...”

“Kumbaga sa isang dalaga, nililigawan nila hanggang sa makuha ang loob. Kung tatanggi ka naman, puwede kang tutukan ng baril para mapasagot. Pero ako, dahil alam ko naman noon pa ang kalakaran nila sa pagre-recruit, hindi naman po nila ako naloloko noong una. Ang problema lang sa akin ay hinayaan ko sila na mapalapit sa akin dahil noong mga panahon po na ’yon ay nag-iisa lang ako sa Manila, wala akong makausap at malungkot ako, kaya nakisama rin ako sa kanila. At isa pang problema sa akin ay nagpakain ako sa galit noong mamatay ang ilang miyembro ng pamilya ko kaya kahit alam kong mali ay sumumpa ako noon bilang kandidatong kasapi, saka ako sumama sa kanila,” bahagya itong tumigil at tumingin sa akin.

Armed and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon