Kabanata 14

1.2K 57 8
                                    

Austrianna

Malakas akong suminghap nang maalala iyon.

Ang akala ko noon, ang pagkakaroon ng asawang lalaki ay parang tulad lang ng sa aking ama. Mas malalim pa pala ang kahulugan niyon, iba sa klase ng pagmamahal ng aking ama na kinalakihan ko na. At si Martin ang nagpadama ng bagay na iyon sa akin.

Marahan akong napalingon kay Martin na nakapikit na pala ang mga mata habang nakahiga kami sa kama. Yakap-yakap ako nito, kaya pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako sa bisig niya.

Mayamaya’y naisipan kong haplusin ang panga nito, na palaging gumagalaw sa tuwing nagseseryoso at galit. Nagmulat ito agad ng mga mata at binigyan ako ng malalalim na titig.

“Martin,” marahan kong tawag sa pangalan nito at sandaling natigilan. Bahagyang nanubig ang mga mata ko na ikinataranta nito.

“Why?”

Naupo ito sa kama kaya napaupo na rin ako’t yumuko. Kumibot pa ang mga labi ko habang naghahanap ng salita. Sa huli ay napapikit ako’t huminga nang malalim.

“N-Naisipan ko na hindi na ako aanib doon. Lalayo na ako sa grupo, pero nakikiusap ako na iligtas mo ang pamilya ko, Martin. Gustong-gusto ko na talagang makita sila, lalo na si ama. Miss na miss ko na sila, Martin...”

Hindi ko na napigilan pa ang sarili na maging emosyonal. Napailing-iling ako’t lumunok nang hirap habang walang tigil sa pag-agos ang sagana kong mga luha.

“Limang taon na akong naghihintay sa pagbalik ni ama para sunduin ako kung saan niya ako iniwan noon doon sa Baguio. Umaasa ako dahil nangako siyang babalikan niya ako. Pero hanggang ngayon ay naroon pa rin siya sa bundok. Nais ko na uling makasama ang aking pamilya roon sa lugar na wala nang gulo, Martin. Pakiusap...”

Natahimik ito at matiim akong pinagmasdan. Mayamaya’y napahinga ito nang malalim at bigla akong niyapos.

“Okay, okay, sweetie. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang mailigtas namin ang pamilya mo. Just promise me na magtitiwala ka sa akin, hmm?”

Nag-angat ako rito ng tingin, saka tumango na agad niyang ikinangiti.

“Good, now let’s sleep,” aniya pa at sapilitan akong pinahiga na ikinatawa ko. Mabilis kong tinuyo ang mukha ko nang tumabi ito sa akin at niyakap ako.

Hanggang sa nakatulog ito sa tabi ko, samantalang ako ay tulala lamang sa pader ng aming kuwarto. Hindi ako makatulog lalo’t binabagabag na naman ako ng aking mga naiisip.

Nais ko na talagang makita ang aking pamilya, kahit isang beses lang, maipayapa ko lang itong isipan ko. Pero imposible na mangyari iyon ngayon.

Tiyak ko na babangungutin na naman ako mamaya oras na matulog ako.

Nag-isang linya ang mga labi ko nang mapadako ang tingin sa malaking salaming bintana. Papalubog pa lamang ang araw, at tila napagod nang husto itong si Martin kaninang umaga kaya nakatulog agad.

Pinalipas ko muna ang ilang sandali upang masigurong tulog na tulog na ang lalaki, bago dahan-dahang inalis ang pagkakayakap nito sa akin.

Balak kong gumawa na lamang ng puto ngayon upang malibang.

Huminga ako nang malalim pagkaalis ko sa kama. Nagtali ako ng buhok at hindi na nag-abala pang buksan ang ilaw dahil baka maistorbo si Martin.

Napanguso ako nang lingunin ko ito. Hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti nang wagas, saka ito nilapitan upang bigyan ng halik sa labi. Pagkaraan ay kinuha ko ang makapal na kumot at inilatag iyon sa katawan niya.

Armed and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon