Kabanata 8

1.1K 65 15
                                    

Austrianna

Napangiti ako nang mapait habang naririto sa kuwarto. Yakap-yakap ko ang higanteng unicorn na bigay ni Martin sa akin, kanina pa tahimik na pinagmamasdan ang laptop sa harap ko.

Ngayon lamang ako nagkaroon ng ganitong mga bagay. Nakakatuwa, unti-unti na akong pumapasok sa makabagong mundo ng mga tao sa siyudad, ngunit hindi ko pa rin makalimutan ang buhay ko sa bundok. Nakakaramdam pa rin ako ng lumbay.

Inis kong ginulo-gulo ang buhok at binuksan ang cellphone. May mensahe roon si Martin na bagong dating lang.

‘Tatawag ako, sweetie...’

Napamaang ako’t napaayos ng upo. T-Tatawag siya?!

Saglit kong sinulyapan ang orasan, saka huminga nang malalim. Oo nga pala at sinabi niyang tatawag siya nang gabi.
Alas once na, dapat ay natutulog na ako. Ganoon din si Martin, pero heto kami at tila magpupuyat pa. Hindi kasi ako makatulog, dahil iyon sa mga sinabi sa akin ni Lala. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko kaya nababahala tuloy akong ipagpatuloy pa ang pakikipag-usap kay Martin.

Tumikhim ako at biglang nataranta nang tumunog ang cellphone. Nag-alangan pa akong sagutin iyon dahil tila nakakahiya ang boses ko, ngunit walang tigil sa pagtunog iyon kaya napilitan akong sumagot.

“My Aria...” panimula nito na ikinapikit ko nang mariin.

Bakit ba ako pinag-iinitan ng mukha sa tuwing naririnig ko ang napakalalim na boses nito? Napakabata ko pa pero ganito na ang naiisip at nararamdaman ko!

Ngumiwi ako habang kagat-kagat ang ibabang labi. “H-Hello, Martin...”

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. “Don’t be shy—I mean, huwag kang mahiya sa akin, Aria. Huwag ka ring matakot dahil hindi naman kita sisingilin sa mga bagay na ibinibigay ko sa iyo,” anito na ikinangiwi ko lalo.

Mukhang nasabi ng mamang Santiago pati ang bagay na iyon. “He-he. Pasensiya na po, Martin. Nagpapasalamat nga pala ako rito sa bigay mo, pero sana sa susunod po ay huwag mo na po akong bigyan ng mga materyal na bagay. Nakakahiya na po...”

Saglit itong natahimik kaya’t kinabahan ako nang bahagya.

“Sinabi ko na sa iyo, Aria. Huwag kang mahiya sa akin. Kaligayahan ko ang bigyan ka ng mga ganiyang gamit dahil gusto kita. Besides, magagamit mo rin naman ’yan sa pag-aaral mo...”

Lumaylay ang magkabilaang balikat ko at kinabugan ng dibdib nang malakas. Papaano ko ba ito masasabi nang hindi masasaktan ang damdamin niya?

Nais kong tumigil na siya.

Nababahala ako sa mga sinabi ni Lala sa akin. Paano nga kung mangyari ang sinabi ni Lala? Papaano nga kung si Martin pa ang maging dahilan para mapahamak lalo ang pamilya ko? Hindi ko alam ang gagawin ko oras na may mamatay sa pamilya ko, lalo na ang aking ama. Pinanlalamigan ako ng katawan sa ideyang iyon.

Muli akong napahinga nang malalim. Ramdam na ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko dahil ayokong saktan ang damdamin ni Martin. Pero tingin ko ay ito ang dapat kong gawin.

“Martin, p-pasensiya ka na sa sasabihin ko, ha? Huwag ka sanang magagalit. K-Kasi—ano ... N-Nais kong tumigil ka na. Huwag mo na rin akong ipasundo kay Kuya Santiago. S-Sorry!” Bumigat agad ang dibdib ko at nalungkot.

Magkagayunpaman ay natatakot din ako. Bilang bata pa, pati ang pag-iisip, ay ayokong mapahamak ang pamilya ko sa kamay ng mga sundalo kahit na ganoon sila. Natatakot akong magkaroon pa ng ugnayan sa mga sundalo.

Matagal ito bago naka-imik.
“Don’t worry, I am not mad at you, Ria. Bigyan mo lang ako ng magandang dahilan para tigilan kita, dahil kung hindi, hindi ako titigil sa panunuyo sa iyo hanggang sa kamatayan ko...”

Armed and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon