Kabanata 4

1.1K 69 19
                                    

Austrianna

"Ria, halika at samahan mo akong bisitahin ang aking asawa!"

Mula sa pagbabasa ng libro ay nalipat kay Nana ang atensiyon ko. Agad akong napatayo at mabilisang niligpit ang mga gamit.

"Opo, mag-aayos lang po ako sandali, Nana," magalang kong wika bago dali-daling nagbihis. Isinuot ko ang bestidang kulay kahel ang kulay na ibinili pa ni Nana para sa akin. May disenyo iyon na bulaklak at hanggang tuhod ang haba.

"Ay, lintek na batang ito! Ano naman 'yang suot mo, Ria? Sino ba ang pinapagandahan mo? Palitan mo nga 'yan at masyadong nakakaakit ng pansin!" tarantang sita ni Lala nang mapansin ako pagbaba ko sa sala.

Napanguso ako at napatigil sa ambang pagbalik sa kuwarto nang magsalita si Nana.

"Ano ka ba, Ethyl! Kaya ko nga binili 'yan ay para suotin niya pang-alis. Ang sabihin mo ay inggit ka lang dahil napaka-manang mo manamit. Bagay na bagay nga ang bestida na iyan kay Ria, nagmukha na siyang dalaga," ngingiti-ngiting ani Nana at pina-ikot ako upang mapagmasdan lalo. "Ayan! Kurbang-kurba ang kaseksihan ng batang ito! Dalagang-dalaga na tingnan," anito pa na ikinailang ko.

Magkaibang-magkaiba talaga sila ng ugali at personalidad ni Lala.

Tumingin kami kay Lala nang umismid ito habang nakaupo sa sofa. "Ewan ko sa iyo, Ethel. Sinasanay mo ang bata na maging papansin tulad mo. Makakahakot lang si Ria ng mga katakot-takot na atensiyon mula sa mga kalalakihan diyan sa labas. Baka ano pa ang gawin diyan sa bata."

Muli akong napabaling kay Nana nang pabiro nitong tinakpan ang magkabilaang tainga at saka ako biglang hinila palabas.

Bigla tuloy akong naasiwa sa suot ko, na kanina naman ay hindi. Tila ako nagmukhang malaswa ngayon dahil sa mga sinabi ni Lala.

"Naku, Ria. Huwag mong pansinin ang matandang dalaga na iyon. Hindi ka masagwa tingnan, bagay nga sa iyo, e. At saka ngayon ko lang napansin na may ibubuga pala ang katawan mo sa mura mong edad. Tiyak ko na lalaki ka pa at lalong gaganda ang hubog ng katawan mo paglaki mo. Naku! Mamomroblema naman ako nito kung papaano maitataboy ang mga manliligaw mo," anito na may pagbibiro sa huli na ikinanguso ko.

Pero sa huli ay ngumiti na lamang ako rito.

Sa biyahe namin papunta sa akademya ay panay ang linga ko sa paligid. Wala akong pasok ngayon kaya okay lang na gumala-gala sa ngayon. Nawala na rin sa isip ko pansamantala ang pamilya ko na naiwan sa Bukidnon.

Masyado akong naaaliw sa bago kong tirahan at mundo dito.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo, Ria?" tanong ni Nana sa gitna ng katahimikan.
Tumingin ako rito at ngumiti. "Okay naman po, Nana. Nakakasabay naman po ako sa lahat. Ang totoo po ay mas tipo ko rito mag-aral. Doon po kasi sa amin ay hindi ako sinusuportahan ng aking ina sa pag-aaral."

Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi nito habang nagmamaneho. "Mas nais kasi ni Nurfaiza na maging katulad ka nila balang araw. Maging iyon ngang ina mo ay hindi nag-aral, mas pinili niya ang kasinungalingan ng grupo nila."

Napatigil ako sa narinig at napatitig sa maamong mukha ni Nana. "Kasinungalingan po?" marahan kong tanong na nagtataka.

Saglit ako nitong nilingon at tinanguan. "Oo, hija. Kasinungalingan lang 'yang mga ipinaglalaban ng pamilya mo. Walang kuwenta. Huwag kang papanig kahit kailanman sa karahasan na puro pansariling interes lang ang nais."

"O-Opo," tugon ko at napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa kandungan.

Pagdating namin sa PMA ay makulimlim pa rin ang kalangitan. Bumuga ako ng hangin bago bumaba sa sasakyan.

Armed and DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon