MGIH C-6: Bonding [Part 1]

Start from the beginning
                                    

Pagkamulat ko ng mata ko...

CHARLES?!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

Pa'no 'to napunta dito? Nasa sahig siya ah?

Nawala tuloy bigla yung antok ko.

"Oy Charles!" ginalaw-galaw ko siya. Tsk! Ayaw magising!

"Charles! Charles!" pisil ng pisngi.

"Hmm?" he groaned.

"May pasok pa uy! Come on! Come on! Wake up!" tapos hinampas-hampas ko naman yung paa niya.

"Five minutes," sabi niya sabay pikit ulit.

"Five minutes, five minutes na lang at male-late na tayo!" inalog-alog ko na naman siya.

"Hmm. Anong oras na ba?" tanong niya with husky voice. Ang pogi ng boses niya pag bagong gising!

Pagtingin ko sa orasan...

Waaaaaaaaaah! 9:30 naaaaaaa!

7:00 pasok namin eh!

"CHAAAAAAAARRRRLLLEEEESSSS! LATE NA TAYOOOOOO! 9:30 naaaaaaaaa! Waaaaaaaaah!" sigaw ko.

"Edi wag na tayong pumasok," emotionless niyang sabi.

Ano pa nga ba? Di na kami papapasukin 'no! Bakit kaya di ako ginising nila yaya?

Bumaba ako para tingnan yung mga maids and butlers at para alamin kung ba't di man lang nila ko ginising.

Kumatok ako. Binuksan naman ni Yaya Rose yung pinto habang kinukusot pa yung mga mata niya. Mukhang napasarap ng tulog 'tong mga 'to ah. May panis na laway pa. Hahaha!

"Hehe Yaya Rose, may morning glory pa po kayo saka *points beside her mouth* may panis na laway pa po kayo. Uso po maghilamos, yaya. Hihi peace!"

Umalis naman agad siya para maghilamos.

Nakita kong lumabas ng cr si Manang Elisa.

"Ang aga mo yata Katherine," bungad ni Manang Elisa sakin habang pinupunsan ng tuwalya ang mukha niya.

"9:30 pasado na po," sagot ko naman. Nanlaki naman ang mata niya sa sinagot ko.

"9:30? Hala ka! Nasira yata yung alarm clock ko! Eh pa'no yan? May pasok ka ngayon di ba?" sabay palo sa ulo niya.

I nodded.

"Di na lang po kami papasok. It's useless," sabi ko naman.

"Lagot ako nito sa mommy mo."

"It's okay, Manang. Di po 'to makakarating sa kanila," then I smiled.

"Magready na lang po kayo ng breakfast," and with that, I left.

Umakyat na ko sa taas. Naalala ko, may kasalanan pa pala sakin si Charles.

Pagkapasok ko, nakahiga pa rin siya sa bed ko. Aba, sarap ng tulog ni mokong.

"Oy Charles!"

Alog-alog.

"Charles!"

Hampas ng unan.

"Hmmm? Di na tayo papasok di ba?" so anong balak niya? Matulog sa kama ko buong maghapon?

"May kasalanan ka pa sakin!"

"Huh?" binigyan niya lang ako ng what-are-you-talking-about look.

"Di ba sa sahig kita pinatulog? Eh bakit nasa kama na kita pagkagising ko?" mataray kong tanong.

"Nag-teleport ako. Malamig eh!" chansing lang 'to eh.

"Tsk! Eh ba't nakayakap ka sakin?"

"Baka nilalamig ka din eh," then he grinned.

"Di naman ako nilalamig eh," sabat ko. Kala niya dyan huh!

"Okay lang yun. Nagustuhan mo naman eh."

Hindi na lang ako sumagot... Agad na lang akong tumalikod para di niya makita yung pamumula ko.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinila yung kamay ko at hinalikan niya ko... sa cheeks.

"Namumula kasi eh. Baka pag hinalikan ko mawala kaso mas namula lang," he said then smirked. Nahalata niya pala yun? Waaaaaah! Nakakahiyaaaaa!

"B-baba na tayo?" awkward kong tanong.

He smiled then nodded.

Habang bumababa kami sa hagdan hinawakan niya yung kamay ko. Napatingin naman samin yung mga maids tapos ngumiti. Husband and wife lang ang peg? Kinikilig tuloy ako. Kill me now! Kill me!

After eating breakfast, nagpahinga muna kami. Nag-movie marathon kami with our maids and butlers. Tatlo kasi yung maid namin tapos dalawang butler. Pagkatapos namin manood, nagyaya si Charles na magdilig ng halaman. Trip niya raw eh. Eh di pinagbigyan ko na lang.

**

"Chaaaaaaaaarles! Waaaaaaaah! Ayoko naaaaaaaa!" hulaan niyo anong ginagawa niya. Hahaha! Imbis halaman yung dinidiligan, ako yung binabasa niya. Ang isip bata! Eh di ano pa bang ginawa ko? Syempre di ako papatalo.

Tinutok ko sa kanya yung hose! Para tuloy kaming nagsha-shower sa garden. Basang-basa na kami. Kaya pala gusto niyang magdilig para basain ako. Kakaiba din 'tong lalaking 'to eh. Kung ano-anong naiisip na kalokohan!

"Aaaah! Babe, stop it! Ang sakit na ng mata ko!" angal niya. Wala pala 'to eh! Loser forever!

"Ano? Surrender ka na agad? Hahaha!" pang-aasar ko sa kanya. Pero imbis na sumigaw siya ng surrender tinapat niya din sakin yung hose niya at tinodo kaya ang lakas ng impact sakin ng tubig. Tinodo ko din yung akin.

"Oy! Sayang tubig!" sigaw ni Kuya Christian samin. Butler namin siya na instant driver na rin. Pero close kasi kami kaya ganun na lang siya kung makapagsalita. Parang kuya ko na rin kasi siya.

"Sila mommy naman nagbabayad eh!" sagot ko naman sa kanya. Totoo naman eh.

"Pasaway ka talaga!" tinawanan ko lang siya.

Patuloy pa rin kami sa pagwo-water fight namin ni Charles. Ang dami ko na ngang nainom na tubig eh. Si Charles kaya?

"Ayoko na! Nilalamig na ko! Palit na tayo!" sabi ni Charles tapos pinatay niya na yung hose. Pinatay ko na din yung akin. Tapos pumasok na kami sa loob na parang mga basang sisiw.

"Yaya Thea, pakikuha nga 'to ng damit ni Kuya Christian, wala siyang damit eh," utos ko kay yaya. Agad naman siyang kumuha ng damit. Medyo malaki nga lang kasi mas malaki naman sa kanya si Kuya Christian.

"Dito ka na lang mag-shower sa baba Charles. Baka magkasakit ka kung hihintayin mo pa ko," pumayag naman siya kaya umakyat na ko.

Pagkatapos kong maligo nakita kong wala si Charles sa kwarto ko kaya naisip ko baka nag-stay siya sa baba. Feel at home yun eh. Ni hindi nga siya nahihiya sa mga maids ko eh.

Bumaba ako para i-check kung nandun nga siya. Habang nasa hagdan ako, may naamoy akong mabango. Amoy Adobo? Pagkababa ko, nakita ko si Charles. NAGLULUTO? Talo niya pa ko! Kababae kong tao di ako marunong magluto.

May kasabihan pa naman na, "the key to a man's heart is through his stomach."

Eh paano yan? Hindi ako marunong magluto ni instant noodles o kahit sunny side-up na itlog?

Pwede bang palitan na lang ng, "the key to a man's heart is through his feet." Para bibilhan ko na lang siya ng sapatos o kaya ng medyas. O kaya ipapa-foot spa ko na lang siya para maiba. O kaya para mas maganda, papa-manicure and pedicure ko na lang siya!

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now