Dahan-dahang humakbang si Kleya patungo sa ulo ni Vivian. Unti-unti, lumitaw ang isang ngiti sa mukha ni Kleya. "And this is for Baldwin!" Kasabay ng sigaw ni Kleya ang pagtadyak nito sa mukha ni Vivian.


"Damn!" Otomatikong napaiwas ng tingin si Wolfgang nang ang pagtadyak mismo ni Kleya sa mukha ni Vivian ang kanyang naabutan. Pero sa kabila nito ay hindi napigilan ng binata na matawa.


"Sakit nun!" Komento naman ni Aaron habang nakangiwi.


"Kleya, tama na—" Lalapit sana si Miller upang pigilan si Kleya sa ginagawa ngunit dali-daling hinawakan nina Wolfgang at Aaron ang kanyang balikat at sapilitan siyang hinila palayo.


"Ulol, gusto mo bang mabugbog ng babaeng 'yan?" bulalas ni Wolfgang na siyang nakasagupa ng dalaga noong Combat night.


"Miller, hindi mo gugustuhing mabugbog ni Kleya. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa nangyari sa labi ko noon!" giit pa ni Aaron na hanggang ngayon ay takot parin kay Kleya buhat nang mabugbog siya nito noong unang araw niya sa Cosima.


Sa kalagitnaan ng komosyon, dumating si Ledory at maabutan ang tatlo sa pinto. Dali-dali siyang lumapit sa mga ito. "Guys anong nangyayari—Oh my God!" Otomatikong napasigaw si Ledory nang makitang nakatayo si Kleya sa harap ng kahandusay at duguan nang si Vivian. Dali-daling sinubukan ni Ledory na pumasok ngunit siya naman agad ang pinigilan nila Wolfgang at Aaron.


"Hindi mo gugustuhing madamay," banta ni Wolfgang sabay iling-iling habang may ngisi sa kanyang mukha.


"Ano ba! Gumawa kayo ng paraan!" Bulalas ni Ledory at isa-isang tiningnan ang tatlo.


Nang muli nilang ibinalik ang tingin kay Kleya, laking gulat nila nang makitang naglalakad na papalapit sa kanila si Kleya na kinakaladkad ang walang malay at duguang si Vivian. Dahil sa magkahalong gulat at takot, agad na napaatras si Aaron at nagtago sa likuran ni Wolfgang na higit na mas matangkad sa kanya.


Sinubukan ni Miller na magsalita ngunit hindi siya makahanap ng salita habang pinapanood ang ginagawang pagkalakadkad ni Kleya rito.


"Someone get me a rope, a chair, a fork, pliers, and a knife—a really really sharp knife. A psycho's going to get cut into bits tonight," basag ni Kleya sa katahimikan, walang kaemo-emosyon at walang pag-aalinlanagan.


Hindi na nakaimik pa ang apat dahil sa narinig.


"Oh, and get me a fresh lemon juice," dagdag pa ni Kleya.


"Kleya, what's going on?! Vivian's our friend!" Maluha-luhang giit ni Ledory dahilan para muling lumitaw ang isang ngisi sa mukha ni Kleya.


"She's not our friend; she's just a predator playing with her prey," wika ni Kleya bagay na ikinagulat nina Wolfgang, Aaron at Ledory.


***


"What the hell is going on here?! Why aren't you stopping her?!" Nag-aalalang giit Ledory kay Miller habang kasalukuyang itinatali nina Wolfgang, Aaron at Kleya ang walang malay na si Vivian sa isang upuan.

Psycho next doorМесто, где живут истории. Откройте их для себя