Prologue

1.9K 45 7
                                    


Originally started: August 16, 2016

Ended: January 06, 2017

Started editing: April 24, 2019

Ended: May 18, 2021


Prologue 


"One more step and I'll snap her neck."

Napalunok ako. "T-teka—"

"Shut your mouth if you want to live."

Magsasalita pa sana ako pero pinorma niya ang mga palad niya sa leeg ko, babaliin nga talaga!

Kainis 'tong lalaking nakahawak sa'kin! Dinamay pa ko sa gulo nila! Nanahimik akong tumatakbo dahil nahuli ko ang ex ko na may kahalikang ibang babae, nang bigla na lang akong hablutin, pinalupot ang mga braso niya sa leeg ko at pinagbantaan na babaliin ang leeg ko sa harap ng Phoenix.

Yes, the infamous delinquents--Phoenix. Pamilya lang naman nila ang bumubuo sa share holders ng school kaya madali silang nakakalusot ang mga kalokohan nila.

Kasalanan 'to ng insekto kong boyfriend—ex na pala—eh! Kundi dahil sa kanya, hindi naman ako sa likod ng school lalabas at hindi ako maho-hostage ng lalaking 'to.

Parang gano'n kasi ang labas ko, hostage. Ako pa talaga ha? Hindi ko naman kaya close ang Phoenix. Classmate ko lang ang dalawa sa kanila pero hindi ko sila close.

Bakit?

Kasi mga bully at nakakatakot sila! They're notorious, and powerful! Buwan-buwan yata may kaaway silang mga gangsters mula sa iba't ibang school. 

Ang tanong, pakinggan kaya nila 'tong lalaking nakahawak sa'kin? May balak ba silang iligtas ako? Baka hayaan lang nilang baliin nang baliw na 'to ang leeg ko! Nadamay lang ako dito. Inosente ako!

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko sa kaba, masyado pa kong bata para mamatay, hindi pa rin ako nakakapaghiganti sa ex ko!

"Let the girl go, you coward." Saint demands, the leader of Phoenix X.

Medyo nakahinga ako ng maluwag, mukhang ililigtas naman nila ako.

"'Wag ka nang mandamay ng ibang tao dito, Eric." Cole says, leader naman ng Phoenix Y. Hati sa dalawang grupo ang Phoenix, at may tig-isang leader ang mga ito.

"You leaders are fucking hypocrites. Hindi ba ginawa n'yo na rin 'to sa Pyxis dati? Kidnapping an innocent girl, it's a norm right?" Hinigpitan nang lalaki ang hawak sa leeg ko. "Too bad, nadamay na siya."

Wala na bang mas mamalas pa sa araw na 'to?

Pilit kong inalala ang tinurong move sa'kin ni Alisson, my dear friend, ang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon. Thank goodness I paid attention that time.

Huminga ako ng malalim.

Binuwelo ko ang paa ko at sumipa patalikod. Ang target ko? Iyong sperm storage niya. Two inches pa ang heels ng black shoes ko kaya goodbye na lang sa future kids niya.

He groans in pain at tinulak ako ng malakas. Bago pa ko sumubsob, may malalakas na brasong sumalo sa'kin. When I look up to see who it is, I see Clark's serious face as he helps me stand on my feet. He's the tallest of the Phoenix X. Mas gwapo pala siya sa malapitan.

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now