Chapter 20

876 31 8
                                    


Chapter 20 - Voices


"Clark, baka hindi ulit ako makasabay mamaya pag-uwi. Susunduin kasi ako ni Luk—"

"As if I care?" pagsusungit niya, umagang umaga nag-susungit na naman siya!

Irapan ko nga! "Sinasabi ko lang para ma-inform ka." Ilang araw na kasi akong sinusundo ni Luke 'pag dismissal, pupuntahan namin si Alisson at Charlie at sabay-sabay na magd-dinner. Kailangang sulitin ang mga araw na nandito si Luke.

"Tch, why don't you ask him na ihatid ka na rin sa umaga para hindi mo na ko naiistorbo?"

"Oo na po, I'll ask him para hindi ka na maistorbo!" padabog akong bumaba ako ng kotse niya.

Kainis! Sinabi ko bang isabay niya ko tuwing umaga? Siya 'tong nag-volunteer eh!


Pagpasok ko ng room, nakidagdag pa si Lacey sa inis ko. Ginawan niya kami ng tsismis ni Luke dahil nakikita niya pala ang pagsundo nito sa'kin. Wala na yata siyang magawa sa buhay niya eh.

Tapos ang Phoenix pa, ilang araw na rin akong hindi kinikibo. Nagtatampo yata sa'kin. Ang mga 'yon talaga! Hindi naman sila ganito kay Charlie at Alisson, porque lalaki si Luke! Nakuuuu.

Ang mga ka-triplets ko naman, ang tatamlay. Hindi rin nila ko gaanong kinikibo o kinakausap. Magsasalita lang sila kapag may tanong ako, kung ano-ano na nga ang mga tinatanong ko para lang makausap sila eh. At least they're not totally ignoring me. Kapag ako tuluyan nilang hindi pinansin, iiyak na talaga ko.


~*~


Dismissal.

Nagpunta ako sa parking lot sa tabi ng building namin, kung saan ako palaging sinusundo ni Luke.

Ten minutes na siyang late. Na-traffic siguro 'yon. Traffic kasi kapag ganitong oras sa Galax City, dahil labasan at uwian ng mga empleyado at estudyante.

Kampante pa akong naghihintay nang biglang umambon.

Oh no.

Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana 'wag tumuloy at maging ulan.

I try calling Luke pero unattended siya.

Palakas na nang palakas ang ambon. Kinuha ko sa bag ko ang payong ko at hinanap ang earphones ko.

Nasaan na naman 'yon?

Hinalungkat at binaligtad ko na ang bag ko pero wala akong nakitang earphones. Naiwan ko pa yata sa unit. Si Clark kasi eh, pilit akong pinagmamdali kanina!

Paano na ko nito?

Nagsisimula nang manginig ang mga kamay kong nakahawak sa payong.

Nanghihina na rin ang mga tuhod ko.

Pumikit ako ng mariin.

Kailangan kong kumalma.

Naiiyak ako pero pinipigilan ko.

Tuluyang lumukas ang ulan pero wala pa rin si Luke.

Tatawagan ko sana ulit siya pero ibang number ang pinindot ng mga daliri ko, and he answers immediately.

"C-clark... h-help me. P-please." I croak in between my sobs.

<"Where the fuck is your best friend?!">

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now