Chapter 30

831 35 2
                                    


Chapter 30 - Surprise


"You done?" nakangiting tanong ni Roane.

Sinara ko ang zipper ng maleta ko at tumango. Totoo nga, aalis na talaga ko ng condo unit ni Clark, agad-agad.

Ilang buwan na rin pala ako rito, natural lang siguro na malungkot ako.

Mamimiss ko ang lugar na ito. 

Ang lugar nga lang ba?

Hindi ko na itatanggi, mamimiss ko rin si Clark syempre. Mamimiss ko ang kasungitan niya, lalo na ang mga luto niya, kahit ang vintage car niya. Syempre hindi niya na ako mahahatid-sundo dahil magkahiwalay na kami. 

Phoenix also assures me na mahigpit ang security sa lilipatan ko, kaya hindi ko kailangang mag-alala kung sakaling pagtangkaan na naman ako ni Eric. 

And speaking of Eric, wala na akong gaanong naririnig sa kanya. Wala rin namang sinasabi sa'kin ang Phoenix.


I'll be alone again, in a huge apartment. 

Okay din naman. Ayokong masyadong dumepende sa Phoenix at kay Clark. 

Tinulungan ako ni Roane na ibaba ang maleta ko sa first floor, kung saan naghihintay ang buong Phoenix boys. Ihahatid nila ko ng full force sa lilipatan ko. Kasama rin si Mirae sa maghahatid sa'kin. Tuwang-tuwa siya dahil aalis na ako sa poder ni Clark.  

"Are you excited? Alam kong bored na bored ka na dito sa unit ni Clark. You're moving out, finally." Roane says loudly pagbaba namin.

Inirapan lang siya ni Clark. "How far is it from here?"

"Hindi naman siguro aabutin ng dalawang oras. Wish mo lang na sana hindi traffic." sagot ni Saint. 

"That fucking far?!"

"Okay lang 'yan, Clark. Magpa-miss ka naman kay Hel kahit minsan." sabi ni Chain. 

"Distance is just a number. Lalayo lang ng kaunti si Hel sayo eh." hugot pa ni Kyle, "Siya nga nilalayo mo palagi sa'min ni Sumner eh."

Lumabas na kaming lahat ng unit ni Clark, si Roane ang kasabay kong maglakad. Nag-volunteer siyang magbibit ng maleta ko hanggang sa lilipatan ko. 

Kanina ko pa pansin ang kakaibang ngisi sa bibig nila, isama na si Mirae. Parang may kalokohan silang balak.

Malayo nga siguro talaga ang lilipatan ko.


"WE'RE HERE." sigaw bigla ni Xian.

Kumunot ang noo ko. Nakakailang hakbang palang kami palabas ng condo unit. Wala pa nga kami sa elevator eh.

Paglingon ko, lalong lumawak ang mga ngisi nila.  

"We're here." ulit ni Cole, humakbang palapit sa'kin at may inabot na papel. "Your passcode, welcome to your new place." sabay kindat. 

Napanganga ko. "S-seryoso?"

Sabay-sabay silang tumango, habang mga nakangisi pa rin.

Si Clark naman hindi maipinta ang mukha.


Katapat lang unit niya ang lilipatan ko eh!


"Are you fucking  kidding me?!" inis na bulalas ni Clark.

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now