Chapter 15

996 34 2
                                    


Chapter 15 - Helpless Phoenix


"Why am I wearing this shit again?" tanong ni Troy, tinutukoy ang cute na costume at wig niya.

"I'm wearing one too!" Xian exclaims, nanlalaki ang mga mata.

Halos lahat sila walang maalala sa mga nangyari kagabi, kanya-kanyang reklamo rin sila sa hangover. Ginusto nila 'yan eh, magtiis sila. Nag-inuman ba naman maghapon magdamag!

Pero ang cute nilang lahat kapag kagigising! With their puffy eyes and messy hairs, mukha silang inosente lahat. Kanya-kanyang silang hilata sa sahig, at wala talagang gumamit ng sofa sa kanila.

"Anong ginawa n'yo sa mukha ni Sumner at Lane?" tanong ni Roane, nakita na ang ginawang art ni Cole.

"Anong ginawa nila sa mukha nating tatlo," Sumner corrects him.

"Ano?! Pati ako?!"

Si Lane naman, ayun. Tulog pa rin kahit siya rin ang unang natulog kagabi.

"HACHOO!"

Napatingin kaming lahat kay Clark, nakahiga rin siya sa carpeted floor. Namamaluktot siya sa lamig dahil naka-boxer lang siya at nakatodo ang AC dito sa loob.

"What happened to you?" tanong ni Brent kay Clark.

"Yeah, why are you in your boxers? And what's up with the hickeys?" tanong din ni Kyle.

Lakas ng loob niyang magtanong!

"Please tell me I didn't do that. I remember kissing someone last night! Or was it a dream? Hindi ko maalala!" hindi mapakaling sabi ni Chain, napasubunot pa sa buhok niya. "If ever I did that, I'm giving you all permission to kill me."

"Calm your tits Chain, it could be Heloise." says Cole.

All eyes are on me at once. Tumingin na lang ako sa kisame. "I d-didn't do it."

"Shit! Ako nga! Kill me now!"

"Shut the fuck up Chain, it's not you." Naiiritang sabi ni Clark.

"It can't be me, can I? Parang may kini-kiss din ako kagabi eh." Kyle asks, in deep thinking. Pilit inaalala ang mga nangyari kagabi.

"Hindi kaya kayo ni Chain ang nag-kiss?" natatawang tanong ni Saint.

Sabay pang nag-react na parang naduduwal si Kyle at Chain.

"You two didn't kiss each other. You dimwits really can't remember?" nakangising tanong ni Kean.

Nakahinga naman nang maluwag ang dalawa.

"Kyle, you kissed Troy, and Chain you kissed Xian." Kean continues with a very evil smirk.

Apat na silang parang naduduwal ngayon.

"Edi sino ang nag-iwan ng hickeys kay Clark?" Biglang tanong ni Lane.

Si Lay.

Si Lay na naman!

Kailan pa siya nagising?!

Tinuro ni Kean si Clark, "Ask him."

Laking pasalamat ko dahil hindi na nagtanong si Lane kay Clark. Hindi na rin nagtanong ang iba dahil mas hot topic ang pagki-kiss no'ng apat.


~*~


Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now