Chapter 9

1.1K 35 4
                                    


Chapter 9 - Pervert Mode


Magpapasalamat ba ko o hindi?

Sinabay kasi ako ni Clark papunta sa school kaya nalibre ako ng pamasahe. Akala ko hindi niya ko isasabay dahil alam n'yo naman ang stripper/delinquent na 'yan, walang pakialam sa ibang tao.

Nauna siyang maligo at mag-ayos sa'kin kanina kaya akala ako mauuna na siyang pumasok at iiwan ako. Nagulat na lang ako dahil paglabas ko ng bathroom, kampante siyang nakaupo sa sofa, hinihintay pala ako. Sinabihan niya pa nga ako na ang bagal ko raw kumilos, bilisan ko raw dahil male-late siya.

Lumabas ako ng kotse niya nang hindi nagsasalita. Kahit naman magpasalamat ako hindi naman siya magre-react, o kaya naman isang 'tch' o 'tss' lang ang isasagot niya, baka nga mamaya magsungit pa siya, eh.

"Hey." Clark says before I even make a step.

"Bakit?" Gusto niya bang mag-thank you ako?

"Dala mo ba ang earphones mo?"

Umiling ako. "Hindi ko na makita eh, bibili na lang ako mamaya."

"Nag-iisip ka ba? Paano kung biglang umulan?" bago pa ko makasagot, may binato na siyang earphones sa'kin. "Sa'yo na lang, nakakaawa ka e." Muli siyang pumasok sa kotse at humarurot paalis.

Alam mo 'yong gusto mo nang kiligin? Kaya lang hindi mo magawa dahil ang harsh niya?


~*~


Nasa kalagitnaan nang pagdi-discuss ang teacher namin sa English at medyo nasa mood akong makinig. Favorite subject ko kasi ang English.

"Hel," kalabit sa'kin ni Kyle, may inabot pa siyang bottle sa'kin. "Tikman mo 'to."

"Ano ba 'to? Makinig ka nga kay Sir!"

"Come on, just try it." sabi niya sabay ngisi, "Masarap 'yan, trust me."

Sa ngiting ginagawa niya, hindi ko alam kung dapat ko ba talaga siyang pagtiwalaan. Tumingin ako kay Sumner, 'di hamak na katiwa-tiwala siya kaysa dito kay Kyle. Sumner nods in approval kaya ininom ko ang binigay ni Kyle.

Muntik ko pang maibuga dahil sa pait ng lasa. It's a freaking beer!

Oras ng klase tapos papainumin nila ako ng beer? Seriously?

Parang may kung anong effect pa naman ang alcohol sa sistema ko, dahil parang may kung anong sumasapi sa'kin kapag umiinom ako.

Sabay pang nagpigil ng tawa ang dalawa nang makita ang reaction ko.

Pagtripan daw ba ako!?

I glare at the both of them, particularly to Sumner. I give him a damn-you-I-trusted-you-with-fifty exclamation-points look.

"Excuse me?"

Automatic na napatingin kaming lahat sa pinto dahil sa boses na nagsalita. I know her! Siya iyong cute na stalker ni Clark!

"Nandito ba si Heloise Salazar?" she asks the teacher.

Napatingin naman ngayon lahat ng mga mata sa'kin.

Bakit niya 'ko hinahanap?

"May I talk to her, please Sir?" she asks again in a very cute way.

"S-sure Miss Santos." says the star struck professor.

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now