Chapter 46

708 21 15
                                    


Chapter 46 - Hilary


"Heloise," sabi ng malambing na boses, kasabay ng malambot na kamay na humahaplos sa pisngi ko, "Heloise, wake up. Kanina pa tayo hinihintay ng mga kaibigan mo."

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata, at ang napakagandang ngiti ni Ate Hilary ang una kong nakita. 

"Bumangon ka na baby Loise. Gusto mo pa bang kilitiin kita?" She wriggles her eyebrows, nakaabang na rin ang dalawang kamay niya sa tagiliran ko.

Natatawa akong umiling. "Babangon na ko, Ate!"

The best talaga ang Ate ko. Handa na lahat nang dadalin namin sa picnic! Pati mga ang susuotin kong damit pagkatapos kong maligo!

Lumabas kami ng bahay matapos magpaalam kina Mom and Dad. Sumalubong sa'min ang labing dalawang lalaki... na lahat ay mga kaibigan ko. 

"Hello, Ate Hilary! Hello, Hel!" halos sabay-sabay na bati nila. 

"Loise!" sigaw naman ng nag-iisang batang babae na medyo singkit, at agad akong niyakap.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit, na para bang ang tagal naming hindi nagkita. "Mirae!"

"Ate Hilary, pakisundan mo lang 'yong van namin ha?" bilin ni Saint bago sumakay sa van, kung saan naroon ang buong Phoenix - X. Sa kabilang white van naman nakasakay ang Phoenix - Y. 

Nagdala kami ng sariling car ni Ate para hindi na kami makisiksik sa kanila. Sa amin sasabay si Mirae kaya tinabihan ko siya sa backseat para hindi siya malungkot. Ang dami niyang dalang pagkain! Masarap kasing magluto ang mama niya, kaya palaging ubos at simot sa'min ang mga dinadalang food ni Mirae. Sa Phoenix pa lang eh, ang lalakas kumain ng mga 'yon.   

Mirae and I are practically bouncing in our seats because we're superrr excited! We're going to Saunder Academy! We all study there, but I haven't been to high school division; our destination! Sa likod kasi noon, may sobrang linaw na ilog at magagandang mga puno! The school is even planning to make it a park and open it in public. Kahit si Ate, hindi pa rin nakakapunta doon, Phoenix pa lang! And they told me na sobrang ganda daw doon! 

And it is, indeed! 

I can't believe my eyes when we arrived. Ang daming mga puno at ang fresh ng hangin!

Isa-isa na ring bumaba ang Phoenix sa sasakyan nila, at agad na nag-unahan si Chain at Xian. 

"Hoy, Wiswis," tawag sa'kin ni Yoyo, sinabayan ako sa paglalakad.

"Bakit?"

Iminuwestra niya ang likod niya bago lumuhod, "Sumakay ka. Hindi pa gaanong ayos ang daan, you might hurt yourself again."

Sumakay naman agad ako sa likod niya, "Piggyback ride? Yehey!"

May mga bato, sanga at malalaking ugat ng puno kasi sa daan. Kaya ko namang hakbangan ang mga 'yon, pero mas gusto kong mag-piggyback!

Nasa harap namin si Ate Hilary, and she looks back just to wink on me. Siya lang ang nakakaalam kasi na may crush ako kay Clark. Ayokong malaman ng iba, lalo na ni Yoyo. Mahihiya ako sa kanya. 

"Whoa, ang ganda pala talaga dito." Ate Hilary chants nang marating namin ang ilog, "At ang linaw ng ilog! Salamat sa pagdala nyo samin ni Loise dito ha?"

"You're welcome, Ate Hilary." sabay pang sabi ni Cole at Saint. 

Nagpaalam na rin ang dalawang driver ng X at Y, na babalikan na lang daw kami mamaya.  

Sexy Virus (Phoenix #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat