Chapter 1

2K 66 14
                                    


Chapter 1 - Mr. Stripper

Soundtrack: Careless Whisper by George Michael


"Are you okay?"

Parang gusto ko yatang sapakin kung sino man ang nagtanong na iyon. Wala akong pakielam kung concern siya sakin. Hindi niya ba nahalata sa itsura ko?! Kanina pa nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko at nakikisabay pa ang sipon ko, mukha ba 'kong okay?!

Sa inis ko hindi ko pinansin kung sino man siya, tinungga ko ang beer sa harap ko at dumukmo. Ngayon lang makakapagdrama kaya susulitin ko na.

"Loise you're drinking too much, that's enough."

Inangat ko ang ulo, gusto ko siyang sampalin kung sino man siya. Ang kapal niyang tawagin ako sa nickname ko! Close friends ko lang ang pwedeng tumawag sakin noon! 

Pero natigilan ako nang mapagtanto ko kung sino siya.

"Charlie?" May karapatan naman pala siyang tawagin akong Loise, she's one of my closest and trusted friends. "Don't worry, kaya ko pa 'to." I assure her.

"Tama na nga ang kakaiyak, kanina ka pa ah."

I just shrug and drink again.

"He's not worth it. Don't let yourself be miserable because of that jerk." Matigas na sabi niya.

"Charlie minahal ko siya eh! Niloko niya lang pala kong unggoy siya!"

"Alisson, ikaw nga ang kumausap dito."

"Alisson?" napatingin ako sa isa ko pang katabi ko. "You're here?"

"Loise... bahay namin 'to and I invited you here."

Ah. Oo nga pala. Bahay nga pala ni Alisson 'to. Pinapunta niya kami ni Charlie dito sa kanila for a sleep over, para maka-bonding na rin kaming tatlo. Matagal-tagal na simula nang huli kaming magkita-kitan, dala na rin ng busy schedule namin sa school. Kailangan niya rin kasi ng makakasama dahil wala ang Mama niya, nasa business trip abroad. 

I took the chance para na makapag-drama ako sa ginawa ng insekto kong ex. Wala akong time makapag-drama nitong nakaraan due to some circumstances.

"Lasing na 'yan."

I wave my index finger. "Hindi pa ako lasing, Charlie!"

"Tara na nga sa kwarto." Yaya ni Alisson, naramdaman ko na lang ang pagkahawak ng dalawa kong kaibigan sakin.

"Ano ba? Gusto ko pang uminom eh!" Pilit nila kong iniakyat sa taas at pinasok sa isang kwarto sa second floor. Gusto ko pang magdrama dahil sa insektong ex ko...

"Move on Loise! Heartbreak is a part of life." sermon ni Charlie.

"Eto nga ang way ko nang pagm-move on eh!" iniupo nila ko sa dulo ng kama.

"Meron akong way para makapag-move on ka." Alisson says, grinning, "Maupo ka lang diyan, 'wag kang lalabas. Hintayin mo kami. I assure you, makakapagmove on ka."

Hindi ko gusto ang paraan ng pagngiti niya. Ngiti niya 'yon 'pag may naiisip siyang kalokohan. Pasaway pa naman 'tong kaibigan kong 'to.

"Basta wait ka lang d'yan. Trust me, bukas na bukas din makakalimutan mo na 'yung boyfriend mo."

"Ex." I correct her.

Mukhang walang idea si Charlie sa sinasabi ni Alisson pero nakisakay na lang din siya. Iniwan nila kong mag-isa sa kwarto na tanging lampshade lang ang nagsisilbing liwanag ko.

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now