Chapter 7

1K 42 6
                                    


Chapter 7 - E


"This is your entire fault." Clark says, massaging his nape as he drives. Nakahawak ang kanang kamay niya sa manibela habang nasa batok naman ang kaliwa. (Ang hot niyang tingnan lalo.) Ako ang sinisisi niya dahil nananakit ang katawan niya sa pagtulog sa sofa. "You purposely didn't wake me up! Did I even give you permission to fucking sleep on my bed?!"

I cross my arms, "Saan pa ko matutulog kung inunahan mo na 'kong matulog sa sofa? Hindi na kita ginising dahil sarap na sarap ka na sa pagtulog mo."

"That's why you should've woken me up." His right hand grips the steering wheel tighter, senyales na naiinis siya. Kunot na kunot na rin ang noo niya.

And I really find it cute. Ang cute niya kasi talaga. Para siyang batang galit at nagt-tantrums. Ang sarap niya tuloy inisin.

"Sarap na sarap ka nga kasi sa pagtulog mo kaya nga hindi na kita ginising." Hindi niya ba narinig ang sinabi ko? Ang cute at ang laki pa naman ng tainga niya! "Sa susunod kasi, kumuha ka ng sofa na kasinghaba mo." Hindi ko na kasalanan kung lampas siya sariling niyang sofa!

Kundi ako naka-seatbelt, siguradong sumubsob na ko dahil sa biglang pagpreno niya. Nasa tapat na pala kami ng apartment ko.

"Pwedeng magdahan-dahan." sabi ko na lang, ayoko siyang sigawan. Nagmagandang loob siya sakin kahit hindi halata. "Salamat sa paghatid." Bumaba ako bago niya pa ko sipain palabas ng vintage car niya.

Hindi siya nagsalita, humarurot lang agad paalis nang makababa ako.

I open my bag at hinanap ang susi ko. Ang gulo ng bag ko, parang dinaanan ng bagyo. Aayusin kita mamaya. Nahanap ko naman ang susi ko dahil may separate pocket akong inilaan para dito, para hindi na rin ako palaging nahihirapan sa paghahalungkat at paghahanap.

When I finally open the door... I instantly freeze kasabay ng pagdumog ng kaba sa dibdib ko.

Nagkalat at basag ang mga gamit ko. Napunta sa kabilang dulo ng sala ang sofa ko at nakabaligtad na. Basag din ang flat TV ko...

Anong nangyari dito?!

Nanginginig ang mga paa ko na humakbang papasok sa loob. Natanaw ko ang kitchen ko, basag at nagkalat din ang mga gamit... ganoon din ang sinapit ng kwarto ko.

Anong gagawin ko?

Sinong may gawa nito?

Si Eric kaya?

My God!

Nasagot ang tanong ko nang makita ko ang malaking E na naka-spray paint sa pader ng sala. Kinuha ko ang phone ko at agad siyang tinawagan. He answers after several rings.

<"What do you want now?">

"Clark..."

Naghintay siya kung may idudugtong pa ako bago siya muling nagsalita. <"What is it? Speak up.">

"P-pwede bang bumalik ka dito sa apartment ko? A-ano... may nangyari lang kasi..." pinigilan kong manginig ang boses ko pero hindi ko magawa.

Clark hangs up.

Amp! Pinatayan niya lang ako! Kainis talaga, natatakot na nga ako eh! Dapat hindi siya ang tinawagan ko. Hmp!

I'm about to call Kyle when I hear the familiar sound of screeching wheels outside. Ganoon ang tunog kanina nang biglang nagpreno si Clark.

Paglabas ko, nakita ko ang Mercedes-Benz niya na nakahinto sa harap ng apartment ko. Kunot na kunot ang noo niya habang palapit sakin. "What happened?"

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now