Chapter 43

888 31 8
                                    


Chapter 43 - Be Alright


Pagod na akong umiyak, pero hindi pa rin nauubos ang mga luha ko. Hinayaan lang ako ni Clark na humagulgol sa dibdib niya, habang pareho kaming nababasa ng malakas na ulan.

Nang medyo kumalma ako, dahan-dahan niya 'kong binuhat papunta sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong buhat, ang alam ko lang patuloy ang paghikbi ko sa dibdib niya.

Binalot niya sa'kin ang tuyong coat niyang naiwan sa kotse niya bago nag-drive.

Pagdating namin sa basement ng condo building, binuhat ulit ako ni Clark. Hindi naman ako makatanggi dahil wala pa ring lakas ang mga tuhod ko para tumayo o maglakad.

Hindi kami inaalisan ng tingin ng mga taong nakakasakay namin sa elevator habang pataas sa 17th floor, but Clark and I ignore them.

"Enter your passcode." Clark says nang nasa tapat na kami ng unit ko.

"Dito na lang ako, pwede mo na 'kong ibaba." nanghihina pa ring saad ko. Matagal niya muna kong tinitigan bago tumalima. "Thank you, Clark. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating. Thank you."

Humarap ako sa pinto at pinindot ang passcode ko. Papasok na sana ako sa loob, but he grabs my wrist... tightly—pero sa paraang hindi ako nasasaktan.

Akala ko may gusto siyang sabihin, pero nakahawak lang siya sa'kin.

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya, lalo na ang mga mata niya. He does look like he wants to say something. But I'm not a mind reader. 

"Will... you be okay?" Clark asks in the end.

Nagkibit balikat ako at pilit na ngumiti. "Maybe."

Sinara niya bigla ang pinto ng unit ko at hinatak ako sa tapat ng unit niya. He enters his passcode, (hindi niya pinalitan) at wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya papasok.

"Wait here." mabilis siyang umakyat sa second floor, pagbaba niya may bitbit na siyang towel at damit, at binigay ang mga 'yon sa'kin. Tinulak niya rin ako papasok sa bathroom niya. "Wash up."

"Doon na lang ako sa unit ko—"

"Gusto mo pa bang ako ang magpaligo sa'yo? Dito ka na lang."

"Okay." wala sa sariling sagot ko. Hinubad ko ang blazer ko at isa-isang binuksan ang butones ng dress shirt ko.

"Hey, hey!" biglang sigaw ni Clark.

"Bakit?"

At naging salubong ng sobra ang mga kilay niya. "What the fuck do you think you're doing?!"

"'Di ba sabi mo maligo ako?"

I almost laughed dahil sa cute reaction niya.

I almost laughed dahil sa cute reaction niya

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
Sexy Virus (Phoenix #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant