Chapter 19

954 29 6
                                    


Chapter 19 - Planetang Phoenix


"Lucas Yoo! Why didn't you fucking inform us na uuwi ka? You know how I hate surprises! Na-miss mo ba ang superkick ko? Huh?!" sa halip na yakapin ni Charlie si Luke, pinagsisipa niya ito.

Tumatawa lang si Luke habang sinasalag ang mga sipa ni Charlie.

Nang sa wakas mapagod si Charlie, Luke hugs her tight and she of course hugs him back.

"I missed you too, Charlie."

May pagkasadista kasi talaga si Charlie, at paborito niyang punching bag si Luke.

"Ikaw talaga Lucas Yoo! Bwisit ka! Namiss kita ng sobra!" naiiyak na sigaw ni Alisson.

Niyakap din sya ni Luke. "You know I missed you too, Alisson."

Nag-group hug kaming apat. We miss him so much. Sa wakas, nakompleto rin kami! Middle school graduation noong umalis si Luke papuntang England, at ngayon lang siya naka-uwi. We are all in second year high school now, at halos patapos na rin ang school year. Halos two years!

I'm really grateful dahil kahit hindi ganoon kadalas ang communication namin, dala na rin nang pagkakalayo-layo at iba't ibang school na pinasukan, walang nagbago sa'ming apat, lalo na kay Luke na sa ibang bansa pa naninarahan.

Sa isang iglap, parang middle schoolers ulit kami.

Gusto ko tuloy maiyak. Nakakamiss.

I've spent my three years in middle school with them, and those years are the best years of my life.

"Nako nga, 'wag n'yo kong dramahan! Kain na lang tayo. Hoy Lucas, ilibre mo kami, bumawi ka!" utos ni Charlie with matching suntok kay Luke.

"I will. Where do you want to eat?"

"You know where!" sagot naming tatlo.


~*~


Sa Jollibee kami kumain. Pare-parehas kasi naming gusto si Jollibee kaya naging magb-bff kami, dito kami palagi kumakain noong middle school.

"Ang swerte mo Luke, nagawa kitang isingit sa hectic sched ko."

"Busy-busy-han ka naman palagi eh, Charlie." giit ni Alisson.

"Magiging future reporter ako, natural lang 'yon."

"Oo nga pala Charlie, na-meet ko na si Ms. Yassie Anderson." Nginitian ko pa ng matamis si Charlie.

Nabuga niya ang spaghetti niya, "Ano? Naunahan mo pa ko?"

"Kapatid niya si Clark. Close na kami." Pang-iinggit ko pa.

Charlie wants to be a great reporter someday, gaya ni Ate Yassie.

She bites her lower lip, "What was she like?"

"Super cool!" tinaas ko pa ang dalawang thumbs ko.

Alisson wriggles her eyebrows, "Ikaw Loise ha. Ano na bang level n'yo ni Clark?"

"Speaking of that Clark, may gusto lang akong malaman." seryosong tanong ni Luke na nakapagpatahimik sa'ming lahat.

Hala. Eto na po. Bakit ba kasi binanggit ko pa si Clark? Ininggit ko pa si Charlie, ang bilis tuloy ng karma ko.

"You two, knew that Loise is living with a guy? And you let her?" puno ng pasensya na tanong ni Luke kay Charlie at Alisson.

Nag-iwas ng tingin ang dalawa.

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now