Chapter 31

872 27 3
                                    


Chapter 31 - Laugh


"Ah, ganoon pala." Tinuro ko ang mga gulay. "Eh paano ang mga 'to?"

"Mamaya pa ilalagay 'yan kapag kumulo na. Ma-o-overcook 'yan, tsk."

Ngayon nagsusungit si Clark, eh siya 'tong nagsabi na tuturuan niya akong magluto! Inirapan ko siya. "Kaya nga nagpapaturo eh!"

Birthday kasi ni Cole ngayon, 19 na siya! Kaya pinagluluto namin siya ni Clark ng favorite dish niya.

Wala naman daw engrandeng celebration na gagawin ang Hansen family para sa birthday niya, ayaw daw kasi ng masyadong publicity o atensyon ng mga ito. Ayaw din naman ni Cole ng gano'n. Gaganapin ang celebration sa Hansen Villa, kung saan family and close friends lang ni Cole ang invited.

Sinagot ko ang phone ko nang tumunog ito. Tumatawag si Saint.

<"Okay na kayo? Dito na kami sa tapat ng building.">

"Okay na. Pababa na kami."

Sa Hansen kami villa magpapalipas ng gabi kaya medyo marami kaming bitbit.

Naghihintay sa'min ang black van ng X, nauna nang pumunta ang Y dahil naghihintay na sa villa ang Birthday Boy.

Nilagay muna namin sa likod ng van ang mga gamit bago kami sumakay. Si Saint sa driver seat, si Troy sa shotgun, magkakatabi naman sina Kean, Mirae at Kyle. Sa dulo mag-isang nakaupo si Sumner, at dahil nauna akong pumasok, napagitnaan ko sila ni Clark.

Isang oras lang naman daw ang biyahe papunta sa villa kaya hindi na sila kumuha pa ng driver.

Nagpasak ako ng airpods para makapag-relax at makaidlip na rin.

Hindi pa ko nakakapikit nang makita ko sa kaliwa ko si Sumner na pipikit pikit na, nakalagay sa likod ang braso para maging unan niya.


Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


Ang cute niya!

Tinapik ko siya ng marahan, napadilat siya nang bahagya.

I offer him my shoulder, "Para hindi ka mahirapan."

"Thanks." Nakingiti niyang sinandal ang ulo sa balikat ko.

Hmmm. Ang bango ng black hair niya! Amoy baby.

"What the?" saad ni Clark na nasa kanan ko, itutulak sana palayo sa'kin si Sumner pero pinigilan ko.

"Hayaan mo siya, natutulog eh!" bulong ko, natutulog ang baby, iniistorbo.

"Paano ko? I want to sleep, too." He demands while pouting.

Ako rin naman gustong matulog eh! Pasalamat siya cute siya, naku! Bumuntong hininga ako. "Dito ka sa kabila."

Kaya ayun, sumandal din siya sa kabilang balikat ko.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang