Chapter 13

1K 40 2
                                    


Chapter 13 - The Phoenix Way


Hmmmm. Bango talaga ng shower gel ni Clark! Nakakagana tuloy maligo.

Ang ganda pa ng gising ko kanina dahil sa bedroom ako natulog. Syempre! Saan pa ako matutulog? Alangan namang tabihan ko siya sa sofa? Kay Clark pa nga lang kulang na 'yon eh. Hindi ko na rin siya ginising dahil ayokong maistorbo ang masarap na pagtulog niya.

Siniguro ko rin naman na comfortable siya bago ko natulog. Nang sa ganoon, hindi sumakit ang katawan niya at para na rin hindi niya ko bugahan ng apoy o kaya patalsikin sa unit niya, dahil hinayaan ko na naman siyang matulog sa sofa.

Lumabas ako ng bathroom nang matapos ako.

Nasa kitchen na si Clark at umiinom ng gatas, tulog pa siya kanina nang pumasok ako sa bathroom. Kaya siguro naging ganyan siya katangkad, laklak kasi nang laklak ng gatas. Bakit ba kasi hindi ako lumaklak ng gatas noong bata pa ko?

Napatingin ako sa pinto, someone's entering the passcode.

Ilang sandali lang, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang labing isang lalaki.

Napanganga ako habang nabuga naman ni Clark ang iniinom niya.

"Hi Hel—" bati nila pero natigilan din agad at sabay-sabay pang nanlaki ang mata nang makita ko.

Nakatapis lang ako ng tuwalya! Wala naman kasing effect kay Clark ang alindog ko kaya malaya akong magpalakad-lakad sa unit niya nang nakaganito lang. Ni hindi niya ako tinatapunan man lang ng tingin, eh!

"Ganito ba kayo palagi?" Saint asks, still surprised.

"Palagi mong nakikita na nakaganyan lang si Hel?!" bulalas ni Chain.

"Kung alam ko lang, sa mansion ka na lang namin Hel." sabi ni Kyle, iiling-iling pa. Nabatukan tuloy siya ni Kean.

"I was right. You're not a true gentleman." Troy teases Clark.

"When will you fucking learn to knock?!" bulyaw ni Clark sa kanila bago umakyat sa second floor.

"First of all, we know your passcode. Bakit pa kami kakatok?" asks Cole, nakasunod ang tingin kay Clark.

Pagbaba ni Clark, dala-dala na niya ang nakakumpol na damit ko. Tinulak pa ko papasok ulit ng bathroom. "Dito ka magbihis." Naiinis na utos niya bago lumabas at binalibag pa ang pagsara ng pinto.

Mabilis naman akong nagbihis. Alam ng buong Phoenix ang passcode niya, at tuwing bibisita sila dito wala nang katok-katok. Basta na lang sila pasok, tulad na lang ngayon.

Lalabas pa ba ko?

Nahihiya ako.

Pero baka kung anong isipin nilang kung hindi ako lumabas!

Lumunok muna ako bago lumabas.

Nakaupo na silang lahat sa carpeted floor, sa pagitan ng flat tv at ng sofa. Kasi naman 'tong unit ni Clark, bakit iisa lang ang sofa?

Salubong na salubong ang kilay ni Clark habang kinakausap ang mga kaibigan niya. "Wala akong ginagawang masama sa kanya, you all fucking insisted na dito siya mag-stay."

"Kunwari ka pa Clark. Gusto mo rin naman eh, umamin ka na." tukso ni Xian.

"I fucking do not!"

I clear my throat para magpapansin. Joke lang! Para lang malaman nila na nandito ako at naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now