Chapter 35

935 29 4
                                    


Chapter 35 - Kiss & Run 2.0


Ilang araw na ang lumipas, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Alisson. 

"If you really like Clark, why don't you go for it?"

Do I like Clark?

"Are you okay?"

Napaigtad na lang ako sa tanong ng lalaking nasa isip ko, at ngayon ay nasa tabi ko. We are on out way to school, at hindi ko pa yata nasabi 'to. Pero napakagwapo niya sa uniform namin.

Natitigan ko na lang tuloy si Clark. 

Why don't I go for it? 

Nginitian ko siya ng matamis. "O-okay lang." 

Narating namin ang Saunder matapos ang ilang minuto. Panaka-naka akong tumitingin sa kanya kanina habang nasa biyahe. Sana hindi niya nahalata, dahil nakakahiya. 

I thank Clark before climbing out of the car. Nakaka-ilang hakbang palang ako nang may humawak na sa braso ko.

I turn to face him, pero sa malayo siya nakatingin. His ears are turning pink, too. Nahihiya ba siya? Ang cute tuloy. 

"Dala ko ang airpods mo."

He doesn't say a thing, dahan-dahan niya lang akong hinatak palapit sa kanya. At saka ako niyakap. "I seriously need energy for later."

After class kasi, dederetso na siya sa training school. Smiling, I hug him back. "Ano ko, charger?"

Naramdaman ko ang pagsandal ng baba niya sa tuktok ng ulo ko. "Inspiration."

Tinulak ko siya ng bahagya at tiningala. "'Wag nga."

"Anong 'wag nga?" Taas-kilay na tanong niya, naka-pout din. 

"'Wag mong ipatong 'yang baba mo sa ulo ko."

"Bakit?"

"Lalo akong nanliliit eh."

"Tsk, maliit ka naman talaga." Niyakap niya ako nang mas mahigpit, at muling pinatong ang baba sa ulo ko.

Nananadya talaga eh!

"Sige, ikaw na matangkad." Bulong ko. May ilang minuto na kaming magkayakap. "Uhm... okay na? Baka ma-late tayo."

"Five minutes."

"Male-late na tayo!"

"Two minutes."

"Clark—"

"Tsk, fine. One minute then."

"P-pinagtitinginan tayo." Bawat dumadaang estudyante papasok ng Saunder, nakatingin sa'min at nagbubulungan pa.

"Ignore them, hindi pa tapos ang one minute ko."

"O-okay." tumatangong sagot ko. 

Pinakawalan din ako ni Clark, matapos ang ilang minuto.

 Then we just... stare at each other. Not in an awkward way, dahil ngayon nakangiti kami sa isa't isa.

Nakatingala ako sa kanya, dahil ang tangkad-tangkad niya; while he's looking down at me, dahil hindi naman ako katangkaran.  Hanggang dibdib niya nga lang ako eh, hanggang balikat naman kapag naka-heels.

As I stare at him, parang bigla ko ring naramdaman ang pagod niya. Halos wala siyang pahinga nitong nakaraan, umiitim na rin ang ilalim ng mga mata niya.

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now