Epilogue

1.1K 37 4
                                    


Epilogue


"Puro langis na sa mukha, pero ang gwapo pa rin." Pinanggigilan ko ang cheeks ni Clark, sinunod ko 'yong ilong.

Nasiraan kasi kami ng sasakyan habang papunta sa kanila, kaya tumabi muna kami saglit para matingnan at maayos niya ang makina.

Ang sarap-sarap niyang titigan. He's wearing a black tank top, blue jeans and white sneakers. Nakataas pa ang brown hair niya, kaya kanin na lang ang kulang talaga. Kahit pa may mga bakas siya ng langis sa mukha, kakainin ko pa rin siya—este, hindi no'n nabawasan ang kakisigan niya.

The tank top was my late birthday gift for him. Super late gift na nga, dahil kami nakapag-celebrate noong birthday niya. His birthday passed when I was in the hospital, unconscious. I bought it for him para naman makabawi ako; it was a limited edition merch ng Short Circuit, the five sticks and half skull design. Alam ko naman kahit hindi niya aminin, that he's a huge fan of the band too, like me! So I bought one for myself too para terno kami!

Hindi ko nga lang suot ngayon dahil hindi ako pinayagan ni Clark. Pagsuot ko kasi, kitang kita 'yong tagiliran ko. Sabi ko sa kanya magdo-doble na lang ako ng fit na sando pero ayaw niya pa rin. I-display ko na lang daw 'yong damit!

"Binili ko 'yon para suotin, hindi para i-display!" I reasoned out, but he didn't listen to me, kaya siya lang tuloy ang may suot.

So here I am, suot ang panibagong bigay niya na super bangong hoodie para hindi ako magtampo. Iyong closet ko sa unit, puro hoodie at shirt na ni Clark. Bukod kasi sa mga binibigay niya sakin, pasimple din akong kumukuha sa closet niya. Hindi niya naman napapansin dahil may unlimited supply yata siya eh. Oras na mapansin niya naman, hindi niya binabawi. He would just smile at me. Mas bagay daw kasi sa'kin ang mga damit niya.

Alam ko namang hindi totoo 'yon dahil lubog na lubog kaya ako sa mga damit niya! Ang laking tao niya kasi. Pero patuloy lang ako sa pagkuha at pagsuot. Libre eh. And it smells so good! Like him!

Kung ako nangingiti at nage-enjoy siyang panoorin, si Clark naman mukhang naiinis na dahil may kalahating oras na kaming nakahinto, kalahating oras na niyang sinusubukang gawin ang makina, pero wala pa ring pagbabago. He's frowning way too hard, minsan sisimangot, minsan ngunguso, na lalo lang namang nagpapagwapo sa kanya.

If Charlie and Alisson hear my thoughts right now, they'd surely call me a simp. Hindi ko naman itatanggi.

"Maglakad na lang tayo, malapit na lang naman eh." sabi ko ulit, dahil hindi man lang pinansin ni Clark ang pagpuri ko. Tanaw naman na ang malaking gate ng mansion nila mula dito sa pinaghintuan namin.

"Mapapagod ka." Simpleng sabi niya, nilabas ang phone para tumawag sa mansion nang mga aayos sa kotse niya, at para na rin magpasundo. Hanggat maari kasi, ayaw niyang pinapagalaw sa iba ang kotse niya if he can fix it himself.

"Gusto kong maglakad eh... please." I lean forward to kiss his cheeks, but he replies with a glare.

"I'm dirty."

Sa lips ko siya sunod na hinalikan. I smie slyly, "So?"

He sighs, surrendering. "I'll carry you then."

Natawa ako kahit hindi niya pinansin ang charms ko at pagpapa-cute ko. "Ang lapit na lang, Yoyo!" I hold his hands and drag him with me. Wala siyang nagawa kundi sumabay sa'king maglakad.

"It's cloudy, baka biglang umulan."

"Hindi naman na ko takot sa ulan eh."

"I know, pero ako takot na magkasakit ka." Hindi ko itinago sa kanya ang ngiti ko. Clark and his sweet words! Palagi siyang ganyan. Super sweet.

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now