Chapter 28

873 32 4
                                    


Chapter 28 - Trapped


"Nililigawan mo na ba ko?" deretsahan kong tanong kay Clark. We're inside his vintage car, pauwi sa condo niya.

Bakit ko natanong 'yon? Hindi naman sa nag-a-assume ako, pero malakas ang pakiramdam ko eh. Palagi niya kong sinasamahan kung saan ako magpunta, palagi siyang nakabuntot sa'kin! And he's treating me a bit too slightly. A bit lang naman.

"Ayaw mo bang ligawan na kita?" At ayun na naman ang parang napipilitan niyang tono.

"No, Clark. Hindi pa ako ready." Lumabas agad ako ng sasakyan pagka-park niya sa basement. Tinakbo ko ang papunta sa elevator nang hindi siya hinihintay, pero bago pa man ito sumara nakahabol at nakapasok siya.

Ang awkward tuloy.

"There's a problem." Naniningkit ang matang sabi niya, "What is it?"

Nag-iwas ako ng tingin, "Ha? Problema saan?"

"Your problem with me. I'm not stupid, Heloise." Humarap siya sa'kin at pilit na sinalubong ang mga mata ko.

"W-wala naman akong problema sayo ah?"

"Naiilang ka ba sa'kin?"

"H-hindi ah."

"Don't lie." Nakakatakot ang tono niya, humahakbang pa siya palapit kaya napapaurong ako. "Hindi mo sinasalubong ang tingin ko, kapag kinakausap kita nauutal ka. What the fuck is the problem?" Hinampas niya ang metal wall kung saan tuluyang napasandal ang likod ko.

Hindi na niya inalis doon ang kamay niya, hinarang niya pa ang isang kamay sa kabilang side ko, cornering me.

I'm trapped.

Clark lowers his head para itapat sa ulo ko. Oh my gosh, ang intense niya pa makatingin!

Anong floor na ba kami? Bakit ang tagal naman?!

Napalunok na lang ako.

My gosh, ang tibok ng puso ko!

*ting!*

Bumukas ang elevator pero hindi pa rin natinag ang stripper.

Napatigil at hindi na pumasok ang mga tao pagkakita sa posisyon namin ni Clark.

Sumarang muli ang elevator.

Hindi ko na kaya!

Kailangang kong maka-survive at makalabas ng buhay dito! Anong floor na ba kasi kami?!

"I'm not gonna move until you tell me the problem."

Napalunok ulit ako, feeling ko any moment malulusaw ako sa tingin niya. "W-wala ngang problema!"

*ting!*

Tinulak ko siya at lumabas ng elevator. Tumakbo ulit ako papunta sa unit.

Pinagpapawisan ako nang malamig!


~*~


Hindi naman na ko kinulit ni Clark kahit nang makapasok siya. Nagpasak kasi ako ng airpods; same airpods na binigay niya sa'kin dati, habang nagbabasa ng libro.

But right now, I'm running out of patience.

Kapag ako hindi nakapapigil!

Paano ba naman kasi, kanina pa siya pabalik-balik sa harap ko while wearing only a towel around his waist! Pwede naman siyang dumaan sa likod ko eh! Bakti kailangan sa harap ko pa? Pinangangalandakan na naman ang abs niya! Ang bango-bango niya pa naman din dahil bagong ligo siya, kahit nga hindi siya bagong ligo mabango pa rin eh.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon