Chapter 3

1.2K 44 7
                                    


Chapter 3 - Kiss and Run


"Pwedeng magtanong?" tanong ko sa dalawang higanteng kasama ko (Kyle and Sumner). Ang unfair talaga ng buhay, pare-parehas lang kami ng edad pero bakit hanggang balikat lang nila ko?

"Sure." Kyle answers with a smile.

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang cafeteria. Tinginan sa'min ang mga estudyante. Lalo na ang mga babae na kulang na lang hablutin ang buhok ko sa sama ng tingin nila sakin.

I feel like a literal mushroom standing between them. Buti nga silang dalawa lang ang kasama ko, busy kasi ang ibang miyembro ng Phoenix... kaya medyo swerte pa ako dahil hindi pa kami nagkikita ulit ni Clark. Hindi ko siya kayang makita. Ayoko siyang makita! Nakakahiya! At sobrang awkward!

Tuwing naalala ko 'yong ginawa ko sa kanya noong nakaraang linggo kina Alisson, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

"Sino si Eric? Bakit n'yo siya kaaway?"

"He's one of our many, many enemies. Hindi ko na maalala kung bakit namin siya naging kaaway." Kyle answers casually.

"Huh." – is my only reaction. Ibang klase, gaano ba kadami ang kaaway nila? Sabagay, they're the kind of guys who would pick fights just for fun.

Nakarating kami sa cafeteria. Nilibre nila kong dalawa ng lunch! Ayos din pala ang pagdikit-dikit ko sa kanila.

Matapos kaming kumain, hinatid nila ako pabalik sa room bago sila pumunta ng gym. May basketball practice sila kaya excused sila sa class ngayon. Napa-sana all na lang tuloy ako. 

Oras na pumasok ako ng room, gusto ko na rin agad na lumabas. May classmate kasi akong ahas na sobrang pula ng nguso. Kaya siguro siya hinahalik-halikan nang insektong ex ko.

Totohanin ko kaya ang pula nang bibig niya? Paduguin ko?

Oo na. Ako na bitter.

Sino bang hindi magiging bitter?! Inagawan niya ko ng boyfriend! She was supposed to be my friend! I trusted her! Pero anong ginawa niya?

Papunta ako sa pwesto ko ng bigla siyang tumayo at binunggo ako. Alam kong sinadya niyang itapon ang hawak niyang juice sakin.

"Didn't see you there," she says in a mocking tone, ang sarap burahin ng asido ang red lips niya.

Ayoko siyang patulan dahil animal abuse ang gagawin ko. Animal lover kaya ako.

Lumabas na lang ulit ako. Narinig ko pa ang mga kaklase naming na nag-'ohhhh' at nagch-chant ng cat fight habang papalabas ako ng room.

Buti na lang may extra akong PE shirt sa locker ko. Pumunta ako sa washroom para makapagpalit ng damit. Sira pa ang lock ng cubicle na napasukan ko.

Hay, ano ba 'yan? Ito na lang ang bakante at lagkit na lagkit na 'ko. Magpapalit lang naman ako ng damit kaya pwede na siguro dito. Pumuwesto na lang ako sa likod ng pintuan, para kung sakaling may magbukas, nakaharang ako.

Hinubad ko ang blazer ko, amoy na amoy ang juice. Isa pa 'yong dress shirt ko.

Isusuot ko na sana ang shirt nang may biglang malakas na tumulak sa pinto. Muntik na kong sumubsob, pero nasalo ako ng mga brasong pumulupot sa tiyan ko.

Nabitawan ko rin ang PE shirt at shoot mismo sa toilet.

Yumuko ako, natitigan kong mabuti ang mga brasong nakapalupot sa tiyan ko, at mga braso ito ng lalaki!

Sexy Virus (Phoenix #1)Where stories live. Discover now