Chapter 22

947 31 7
                                    


Chapter 22 - Miracle in Cell No. 7


"Heloise, wake up." sabi ng boses, naramdaman ko pa ang marahan niyang pagtapik sa'kin.

I open my eyes and see Clark's baby face.

Nandito pa rin pala ko sa higaan niya. Pagtingin ko sa wall clock, 3 AM na! Bumangon agad ako agad at umalis sa higaan niya, baka sipain niya ako paalis. Sinulit ko masyado ang pagtulog sa higaan niya!

"Sorry," sabi ko, pumiyok pa dahil sa pamamalat. Ugh, my throat feels so dry.

"Where are you going?"

"Lilipat sa sofa." Pababa ako ng hagdan nang maramdaman ko ang pag-angat ko sa ere. Binuhat kasi ako ni Clark, (bridal style) at muling inihiga sa kama niya.

"Hindi kita ginising para lumipat sa sofa." Naiinis na sabi niya.

"Ha? Ano pala?"

"Eat." Inabot niya sa'kin ang tray na may lugaw. "Para makainom ka ng gamot."

Medyo napanganga ko ng konti. Konti lang. "Ikaw nagluto?"

"Kainin mo na lang."

"Walang lason 'to?"

"Tch, forget it—"

Pinigilan ko ang kamay niya nang babawiin niya ang tray. "Joke lang! Ikaw talaga."

Sumubo ako ng isang kutsara.

At grabe, ang sarap! Oh my gosh, ang sarap talaga. "Ikaw ba nagluto nito?" tanong ko ulit, pero hindi niya na naman sinagot. "Saan mo nabili? May bukas pa bang lugawan ng ganitong oras?"

Papabili ulit ako sa kanya, ang sarap eh!

"Ako ang nagluto so shut up."

"Weh?" Pinagluto niya ko? Bakit parang kinikilig yata ako? Ah, masarap kasi luto niya.

Inirapan lang ako ni Clark, bago hinawakan ang noo ko. "Tsk, mainit ka pa rin."

Pinainom niya pa ako ng gamot pagkatapos kong kumain.

Hinawakan ko rin ang noo niya, "Ikaw... okay ka lang ba?"

"Bakit?" tumaas ang kilay na tanong niya, taray talaga!

"May sakit ka rin ba? Ang bait mo kasi talaga ngayon eh."

Tinapik niya paalis ang kamay ko. "Bakit? Ayaw mo?"

"Nagtatanong lang ako."

"Go back to sleep."

"Opo." I smile widely. "Thank you." Humiga ako at pumikit, pero dumilat din agad. Medyo nailang nga ako dahil nakatingin pa rin si Clark sa'kin. "Paano ka? Saan ka matutulog?"

Wala naman siguro siyang balak na panoorin akong matulog.

He just smirks, "Not beside you."

Kainis talaga 'to! Sinabi ko bang tabihan niya ko?! Nakokonsensya lang naman ako. Che!

Inirapan ko na lang siya at pumikit.


~*~


"Ang cute niya pagkakagising, pero mas cute siya pagtulog."

"Ssshhh, baka magising siya."

"Should I pinch her cheeks?"


Ang ingay naman ng mga boses na 'yon.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon