Chapter 49

789 26 14
                                    


Chapter 49 - Memories


Ilang araw matapos akong makalabas ng ospital, dinala ako ng Phoenix sa elementary division ng Saunder, just to reminisce the past, like a trip to memory lane.

Una naming pinuntahan ang malaking playground, kung saan kami madalas tumambay noon at mag-picnic.

I beam when a memory flashes, but unlike before, hindi na parang pinupukpok ang ulo ko.



"Ahhh! Jinjja! First time kong magpicnic! Excited si ako!" Mirae said, nagtatalon pa sa tuwa.

"Mirae, excited ako." pagtatama sa kanya ni Kean, "Gano'n dapat, ang tanda mo na hindi ka pa marunong mag-Tagalog ng maayos."

"Korean nga ako eh! Arasso? Hindi pa ko magaling gaano sa Tagalog."

Umupo kami sa malaking blanket na nilatag ng Phoenix sa isang gilid ng playground. Ang dami-daming pagkain!


"Totoo ba 'tong nakikita ko?"

Napatingin kaming lahat sa mga taong kadarating lang. Tinitigan ko silang mabuti... may hawig sila sa Phoenix.

"Sama-sama kayong nagpi-picnic?"

"Magkasama na ang X at Y?"

"Hindi ba't magkakaaway kayo?"

"Kaya n'yo ba kami pinapunta dito? Is this your surprise?"

All twelve members of Phoenix X and Y nodded and smiled at them. Ah, these people are probably their parents.

"Ang hirap-hirap n'yong pagbatiin dahil palagi kayong nagsusuntukan magsalita lang ang isa sa inyo eh."

"How did this happen, kids?"

In almost perfect sync, tinuro nila ako.

"Oh, dahil sa kanya? Hindi n'yo ba matiis ang cuteness n'ya?"

"Akalain n'yo bang mapagbabati ng isang batang babae ang mga anak natin?"

"Pwede n'yo ba siyang ipakilala sa'min boys?"

Saint stood up, "She's our friend! And her name's Heloise."

"Isn't she cute?" Cole said and gave me a lollipop.

"Can I take her home?" Lane grabbed my arms, "She's cute kasi!"



"Do you remember this place, Hel?" tanong ni Cole na nakapagbalik sa'kin sa kasalukuyan.

"This is where we first met you." Troy cackles at the memory.

I do too, habang inaalala pakikipagsiksikan ko sa kumpulan ng mga bata.



"Crying isn't our style. Phoenix is a cool name our principal gave us. If you're not cool, you shouldn't be called or be part of Phoenix at all." sabi ng pinakamatangkad sa kanila, kung tama ako, siya si Cole.

Hmp! Feeling niya ang cool cool niya, matangkad lang naman siya! Palagi silang may binubully ng grupo niyang Phoenix-Y, at dahil siya ang leader, palagi rin siya ang pasimuno, silang dalawa no'ng nakakainis na si Chain. Palagi din silang nag-aaway ng Phoenix-X. Nakakainis nga eh, isang grupo lang naman sila pero sila pa ang madalas mag-away.

Sexy Virus (Phoenix #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon