MGIH C-3: The Plan

Start from the beginning
                                    

"Uhm akin po chicken curry with rice and fries," order ko.

"Uh Kath! Sa Shakey's tayo mag-lunch later. Half day lang naman daw," sabi ko and she simply nodded. Busy kasi sa paglamon. Oo, lamon. Almusal pa lang namin 'to eh.

"Di ka naman gutom niyan?" sarcastic kong tanong.

"Kate, extra rice, please?" aba! Inutusan pa ko! Thank you ah.

"Tch. Don't call me Kate! Besides, hindi ako waitress, gagang 'to!"

"Why? It's your name," sabat naman niya.

"Aish! Kulit mo! Ayoko eh!"

"Kate!"

"Charles! What's up?" bati ko sa kanya.

"Kala ko ba ayaw mo ng Kate?" singit naman ni Kath.

"Eh nakasanayan ko ng Kate ang tawag sakin ni Charles eh," pag-e-explain ko.

"Ang daya! Eh di Kate na rin tawag ko sayo!" nag-pout pa. Tss. Isip bata naman 'to!

"Yoko nga!"

Ayoko kasing Kate tawag sakin! Pambata! Kahit na isip bata ako, ayoko ng pambatang pangalan!

"Bahala ka! Kate tawag ko sayo! Bleh!" binelatan pa ko ng childish na 'to! Hmp! Humanda ka sakin!

"Alam mo ba Charles, sabi ni Ka-" di ko na natuloy sasabihin ko kasi sinungangal niya sakin yung fries. Buti na lang, nalulon ko nang maayos. Siraulo kasi 'tong babaeng 'to eh.

Pero nanalo pa rin ako! Ano ka ngayon? Aasarin mo pa ko huh?

"Ano ka ngayon?" pang-aasar ko sa kanya.

"Oo na! Hindi na po, Andrea," in-emphasize niya talaga yung Andrea. Wala pala 'to eh. Bukingan lang pala katapat nito eh.

After naming kumain, nagklase na kami sa Math. Aww. Geometry.

Nang matapos na ang klase namin, niyaya ko na si Kath papuntang Shakey's. May surprise kasi sa kanya si Charlengot. Ewan ko lang kung magiging successful 'to. Tatanga-tanga pa naman yan.

Nung on the way na kami to Shakey's, may mga cute na batang nagbigay sa kanya ng pink rose. May letter na nakadikit per rose. Ang mabubuo lang naman dun ay "I LOVE YOU". Ako ang nag-isip niyan. Wala akong maisip na iba eh. Sana um-effect na yung ganyan.

**

Kath's POV

We're on our way to Shakey's right now. Bigla na lang may nag-abot sakin ng pink rose at may nakalagay na letter I. I? Bakit I? Anong connect nito sakin? Then ilang sandali lang may nagbigay na naman. Letter L naman. Sino naman bang nagpapabigay nito? Abala! Tsk! Chichibog na nga lang ako, haharangin pa ko. Enebe! Gutom na kooo! Maya-maya, may nagbigay na naman and so on.

I LOVE YOU

Yan yung nabuo. Kanino kaya galing 'to? Ang sweet naman. Pero sana pinakain niya muna ako di ba? Joke lang! Mukha naman akong PG nun. Inuuna talaga pagkain. Pero may point naman ako dun ah? Mas masarap ang pagkain kaysa love life. Pero kung si Charles naman ang nagbigay nito, okay lang na di ako kumain ng isang linggo!

Then I saw Charles. Naglalakad sya papunta sakin. M-may h-hawak p-pang *gulps* bouquet of roses!

"Hi Kath!" bati niya then binigay niya yung bouquet.

"H-hi!"

Gosh! Nauutal tuloy ako. Ang daming butterflies sa stomach ko. Baka pati catterpilar mayroon na ah! Pinagpapawisan ako!

Tumingin siya sa mga mata ko sabay iwas tapos kamot ng ulo.

"Uhm. Katherine, I... I love you. Alam ko mahirap paniwalaan kasi 3 days pa lang tayong magkakilala. Di ko rin alam kung bakit o paano basta gusto ko na palagi kang kasama. Gusto kong lagi kang nakikita. Ang gaan-gaan ng loob ko sayo unang kita pa lang natin at gusto ko palagi kitang kausap. Ang corny man pakinggan pero totoo. Di ko na kaya pang patagalin 'to. Baka kasi mabulok na 'to o kaya amagin pag di ko pa sinabi sayo."

He cleared his throat first.

"Kath, I love you. Will you be my girlfriend?"

Loading...

Please wait...

14%

26%

35%

57%

80%

100%

"I love you, too, Charles. And it's a yes!"

He hugged me and I hugged him back. Ang sarap sa feeling nung ganito. Ang bilis 'no? 3 days pa lang kaming magkakilala pero naging kami na. Maski ako di rin makapaniwala sa nangyayari. Pero I know this is reality. Di naman malabong mangyari 'to kasi first day nga naming nagkakilala nag-confess na agad siya sakin. And here we are now! And this is really happening!

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaah"

"Sweet 'no?"

"Lalandi! Ang babata pa."

"Aral muna!"

"Buti pa sila, mahal, ganyan. Ang romantic nung scene. Eh ikaw sa text mo lang ako niligawan! Hmp!"

Medyo natawa ako dun sa last na narinig ko from the audience. Walang biro, ang daming tao. Oh my God! Center of attention kami dito!

"Cut!" sigaw ng director.

Kidding! Di acting yun 'no! It's for real.

So ayun nga, pagkatapos ng romantic scene namin sa tapat ng Shakey's. Kumain na kami sa loob. Nagulat nga 'ko kasi pagkapasok namin, mukha ko yung nakabalandra dun sa mini stage. Tapos may nakasulat na "I LOVE YOU, KATHERINE BERNADETTE SMITH TO INFINITY AND BEYOND, FOR BETTER OR FOR WORSE, FOR RICHER, FOR POORER, IN SICKNESS OR IN HEALTH, 'TIL DEATH DO US PART".

Ganyan niya 'ko kamahal! Tapos umakyat siya ng stage tapos kumanta. OMG! Bakit ang lakas niyang magpakilig, Lord? Bakit? Pagkatapos naman naming kumain, hinatid niya ko sa bahay. Ang sweet ng boyfriend ko! Pinakilala ko na nga siya eh. Sa mga maids and butlers nga lang namin. Wala naman parents ko eh. Saka na lang.

I hope he's the last. I think I found my first, true and great love. And we will be an epitome of forever.

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now