Chapter 4: [My Princess]

Start from the beginning
                                    

Hindi na lang ako kumibo.

"Alam ko kasing malelate ka ng gising, kapag nalate ka ng gising hindi ka na mag-aalmusal dahil malelate ka sa klase. Kaya nagdecide ako na ibili ka na lang ng almusal para kainin mo dito sa kotse habang papuntang school." sabi niya sabay smile.

Napangiti ako sa effort niya.

Bakit niya ba ginagawa to?

Ang sweet niya.

Baka mafall ako sa kanya neto ha.

Or nafall na ako?

Kinain ko na yung binigay niya.

Sakto ko namang naubos nung nakadating na kami sa school.

Akmang bubuksan ko na yung pinto pero nagulat ako nung binuksan niya para sa akin.

"Thank you." sabi ko nalang.

Viniel, bakit ba ang sweet mo sa akin?

Kahit pala mayabang to, mabait din pala.

"So, sabay na tayo pumasok?" sabi niya.

Pumayag naman ako, eh classmates kaya kami.

Ang sama ko naman ata kung hindi ako papayag di ba?

Ayun, sabay nga kaming naglakad papuntang classroom.

What do we expect?

Yung mga nagkalat na bubuyog naririnig ko nanaman.

Hindi ko na nga pinansin eh.

Hanggang sa may narinig akong hindi ko nagustuhan.

"Hoy, Nerd! Ang landi mo! Gumanda ka lang, nilandi mo na si Viniel. User!"



Nung narinig ko yung mga salitang yun, para akong nabagsakan ng langit at lupa.

Nangalambot ako na parang hindi kumain ng 3 years.

"Dennice, ok ka lang?" sabi ni Viniel.

Viniel, mukha ba akong okay?

Bakit hindi mo man lang ako pinagtanggol?

Hindi mo ba narinig yung sabi nung babae?

"Wag mo ng pansinin yun. Insecure lang sayo. Wag na natin patulan." dagdag niya.

Mind reader ba to?

Nagsmile na lang ako.

Hindi ko nalang din pinansin.

Pumasok na kami ng room ni Viniel.

"Naks! Magkasabay ang lovebirds!" sabi ni Ariane.

"Huh? Lovebirds?" lumingon naman ako sa likod. Wala namang ibang tao. Kami lang ni Viniel ang pumasok.

"Tss. Dennice, akala ko ba matalino ka?" sabi ni Aly.

"Eh sino ba kasi ang lovebirds?" tanong ko ulit.

"KAYONG DALAWA NI VINIEL!" sigaw nilang pito.

"KLAPS, tigilan niyo nga kami ni Dennice. Pwede?" sabat ni Viniel.

Tumayo si Erica, sabay inakbayan si Viniel.

The Princess with her FairiesWhere stories live. Discover now