CHAPTER 36

11.8K 217 12
                                    

CHAPTER 36

I checked on my phone, bored to death. I’d rather be somewhere else right now.

Napilitan din akong puntahan si Shelley pagkatapos ng auction dahil maya’t-maya nya akong tinatawagan. Umalis na si Zandro pagkahatid sa kanya, gaya ng sinabi nito.

Kaya ngayon, wala akong choice kundi hintaying matapos ang fashion show.

Napabuntong-hininga ako ng maalala ang mga panahon na ang kailangan ko lang gawin ay sumulyap sa pintuan patungo sa backstage at tiyak na matatanaw ko si Mira mula sa kinauupuan ko.

Marahas kong ipinilig ang ulo, nais pagalitan ang sarili. The wench ran away with her Dave, at hindi nya sinasagot ang tawag ko.

Tinawagan ko na rin si Jayce upang ituloy ang noon ay ipinahinto kong investigation sa nakaraan ni Mira, pero hindi ko nakausap ito dahil hindi ito nag-pick up ng telepono.

I thought I didn’t need to know Mira’s past. But now, it becomes important. Hindi ko sya mababawi kung hindi ko alam kung nasaan sya.

Before I realized, nabuksan ko na pala ang photo gallery ng cellphone ko at isa-isang tinitingnan ang mga picture namin ni Mira doon. Ang una nyang picture ay noong nanonood sya ng isang teleserye, noong unang beses syang natulog sa condo ko.

She looked so funny and so adorable at the same time.

“I’m going to find you, I swear,” I muttered to myself, completely uninterested sa pag-a-announce ng paglabas ni Lady M sa runway, kahit pa puro clamor ang naririnig ko sa paligid.

“Oh my gosh! Of course it’s her!” narinig kong pagsinghap ng babaeng katabi ko. “How can I be so stupid. I should have realized it’s her!”

“Sino?” tanong ng babaeng kasama nito.

“Remember the girl when I was in highschool? The girl I’m always jealous of.”

“Yung girl na lagi mong ginagaya ang style?”

“Hindi lang naman ako,” defensive nitong tugon. “Everyone else imitates her!”

“Oh! Biruin mo yun, until now you still follow her style.”

“Ikaw din naman, di ba?”

“She’s really good. And very good looking. Look at that bod! Tingin mo, nagpa-retoke kaya siya?”

“I don’t know. But I don’t think so, dati na syang sexy.”

Na-curious na nag-angat ako ng paningin.

At literal akong napanganga.

Parang lumundag ang puso ko at bumara ito sa lalamunan habang pigil hininga kong pinagmamasdan ang babaeng- no, scratch that! – ang dyosang rumarampa papalapit sa akin.

I felt like a schoolboy with butterflies in my stomach as I watch her walk with that lopsided, seductive smile pasted on her lips.

Muntik na akong napamura ng mag-sink-in ang nakikita ng mga mata ko.

Mira is gracing the ramp with a glittering pair of skimpy bikini! On top of that is an oversized long sleeve na bukas lahat ng butones, giving an impression that she’s wearing her man’s own long sleeve, and creating an air of sensuality in her. She paused when she reached the end of the runway, then smiled and posed for the camera. The flashes are blinding, and with every sound of shutter, I felt the urge to grab her from the stage and cover her.

I heard the man on my left groan loudly. Kinausap nito ang lalaking katabi sa kabilang side.

“Dude, what I’ll give to have her on my bed!”

SUBSTITUTE LOVERUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum