CHAPTER 29

10.9K 197 7
                                    

A/N: Napansin ko lang, andaming typo error ng updates ko. Pasensya na po, epal lang talaga si MS Word minsan, nangengelam ng kwento. Iko-correct ko pag nagka-time, alam ko masakit sa mata.

CHAPTER 29

Natatawa pa rin si Rodney habang naghuhubad ng coat.

“Epic si Lola. Inaway talaga ako??”

Natawa na din ako at napailing.

Ang tinutukoy nya ay ang pagdating naming galing sa date. Nasa living room si Lola at akala nya ibang tao ang kasama ni Rodney.

“Dahil akala nya may kasama akong ibang babae. Gulat na gulat sya nung nakita at nakilala ka nya.”

Maluha-luha na sya sa pagtawa kaya hinampas ko na sya sa braso.

“Isusumbong kita kay Lola. Tuwang-tuwa ka dyan.”

Pinigil nya ang muling mapahalakhak at sa halip ay muling binalingan ang paghuhubad ng damit.

Pinanood ko ang pag-angat ng undershort nya hanggang sa tuluyang lumitaw ang kanyang six-pack abs.

Napakagat ako sa labi.

Nakakagutom naman.

“Huh? Nagugutom ka?” takang tanong ni Rodney.

Ay shit, nagsasalita pala ako?

“H-Hindi..” natataranta kong hinagilap ang paper bag na bitbit ko kanina. Mula doon ay inilabas ko ang aklat na binili ko sa bookstore kanina.

“Paborito mo pala si Mitch Albom?” tanong ni Rodney ng makita ang hawak ko. “This is not the first time na nakita kitang nagbabasa ng book nya.”

“Yeah. Sya ang pinakapaborito ko sa lahat!” I gushed excitedly. “And he’s coming for book signing next week!”

“You look excited,” natatawa nyang puna at sumampa sa kama palapit sa akin.

Ipinakita ko ang book signing coupon nan aka-attach sa binili kong hardbound. “Magpapa-sign ako.”

Nailing nyang kinuha sa kamay ko ang aklat at inilapag iyon sa side table.

“Tiyak na mahaba ang pila niyan. Si Mang Jerry na lang ang papuntahin mo.”

“Hindi na. Hindi pwedeng walang kasama si Lola dito.”

“Mapapagod ka lang dun,” niyakap na nya ako sa beywang at hinila upang humiga sa tabi niya. “Matulog na tayo.”

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now