CHAPTER 1

27.8K 371 10
                                    

CHAPTER 1

She walked the ramp with the grace of a feline and I cannot help but feel a mixture of admiration and envy. Shelley is indeed beautiful.

Napalingon ako sa life size mirror na katapat ko. There, looking back at me is a woman who looked in her 30s rather than in her 20s. The gay spinner teasingly calls me ‘Four Eyes’ because of my rimmed glasses. Habang yung hair dresser naman, laging pinagdidiskitahan ang buhok ko. Nasaan daw ba ang mga mayang nagpupugad sa buhok kong lagi na lang nakapusod tuwing nakikita nila ako. mas marami pa daw yata ang patay kong buhok kesa sa buhay. Mas mukha daw akong sugo ng laundry shop na nagda-dry clean ng mga inira-rampang damit kesa kaibigan ng sikat na model na si Shelley.

Hindi ko sila masisisi. Kahit ako, napapangiwi pag nakikita ko ang repleksyon ko sa salamin. I have to live with it. And with that, I sighed and shrugged my shoulders.

Maagap akong lumapit kay Shelley. Nakabalik na sya sa dressing room mula sa pag-rampa. Mabilis ko syang tinulungang hubarin ang black long gown na backless na, eh may mahabang slit pa sa magkabilang side ng skirt.

Tapos na ang line ng mga long gown. Coats naman ang sunod. Shelley wore a mustard pencil cut skirt and a cream haltered satin top na pinatungan ng sparrow tail coat. She is a picture of an empowered young woman at the top of a corporate ladder.

Mula sa organized chaos look na pagka-bun ng buhok ni Shelley, pinalitan ito ng hair dresser ng neat bun look para bumagay sa corporate attire niya.

“Nandyan si Papa Rodney?” kinikilig na tanong ng make-up artist kay Shelley. Tumango naman ito.

Napabuga ako ng hangin. Itinanong pa, nakita nya na nga. Naiiling na palihim kong inirapan ang make-up artist. Bago pa lang yata mag-start ang fashion show, si Papa Rodney na ang inaabangan nitong dumating kaya naman nung dumating na ang binata, sya pa yata ang unang nakakita. Ang baklang ito, pinagnanasahan din ang boyfriend ni Shelley.

Hindi ko alam kung bakit ako ang naiirita, eh alam naman ni Shelley na pinagpapantasyahan ng mga kasama nya sa trabaho ang boyfriend nya. At mukhang okay lang naman sa kanya. I think, she even enjoys being envied by everyone around her.

“O, okay na yang make-up mo, bonggang- bongga na!”

Shelley’s sensual smoky eyes earlier are gone, replaced by sharp looking ones.

Nonetheless, she’s as breathtaking.

“Shelley, your turn!”

Mabilis na lumakad si Shelley upang lumabas sa catwalk. Napasulyap ako sa pumps nya na kinabog pa ang Memorata. It looks good in her pair of long legs.

Shelley really gives justice to what she wears, I give her that.

Last line of clothing na yung coats kaya matapos rumampa ni Shelley, nagsilabasan na rin yung ibang models at umikot silang muli sa catwalk.

Nakasilip lang ako mula sa backstage. Hindi ko tinitingnan ang mga model. Iisang tao lang ang pinagmamasdan ko.

Oo na, pinagnanasahan ko din sya. Ang napaka-sweet at napaka-gentleman na boyfriend ni Shelley, si Rodney.

Nakaupo ito sa frontseat, kasama ng mga VIP, at may dalang bouquet ng tulips. Nakangiti itong nakatingin sa girlfriend nya na kasalukuyang nalulunod sa kislap ng mga kamera.

Napailing ako. “Nalulunod’ talaga yung term ko? Bakit parang gusto kong lunurin yung kaibigan ko?

Bumuntong hininga ako at umupo na lang sa isang bakanteng stool sa backstage.

“Bakla, hindi talaga sya dumating! Inisnab nya talaga aketch!” nakatirik ang matang wika ng direktor sa katabing assistant.

May ina-anticipate silang tao. Mula umpisa pa lang ng project na ito, naririnig ko nang pinag-uusapan nila yan. Very eager talaga ang show direktor na mapa-attend ng personal ang tinutukoy nito.

“Bakla, bakit ka ba kasi umaasa, alam mo namang hindi talaga basta-basta uma-attend yun. Kahit ikaw nga na kinikilalang direktor sa fashion world eh hindi mo pa sya nasilayan ng personal. Sobrang recluse nya ba o talaga lang snob sya?”

“Malamang sobrang busy lang. Alam mo ang mga powerful na tao, they don’t work in the frontline. They only pull the strings from behind. They shy away from the limelight dahil hindi naman nila kailangan yun. And they don’t need to be here because they can pay people to work for them.”

Naiiling kong ibinalik ang pansin kay Rodney. Wala na ito sa pwesto kaya napasimangot ako. bumalik na rin ang mga models sa backstage at nagkanya-kanya nang palit ng mga damit. Sa labas, nag-start na ang cocktail party.

I turned around to look for Shelley. I’m sure, kailangan nya ang tulong ko. Paghuhubad lang ng damit, hindi nya pa magawang mag-isa.

“Oopps!”

“Eekkk!”

I crashed in something hard and warm. Yeah, I crashed against Adonis himself.

JK.

“R-Rodney.. S-Sorry..” mabilis akong umupo upang pulutin ang bouquet ng tulips na para kay Shelley. Shit, mukhang nasira!

“It’s okay.” Inunahan nya ako sa pagdampot at inalalayang tumayo. “Are you okay?”

Napatango na lang ako. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad nya at para na akong lalagnatin sa sobrang kaba. He has that effect on me and I have no way to explain why that is so.

“Yung.. Yung mga bulaklak.. nasira ko yata.”

“It’s okay. They are only flowers. What’s important is that you’re not hurt.”

Why is he so gentle? Why is he so loveable? Para akong hinihigop ng pagkatao nya ng walang kalaban-laban.

“P-pero mapapagalitan ako ni Shelley. Kasalanan ko naman, Bigla na lang akong nag-about face.”

Luminga ito sa paligid at saka muling tumingin sa akin ng nakangiti.

“No one saw us, kaya walang magsasabi kay Shelley ng nangyari. It’s our little secret.” He offered his pinky.

I giggled. Gusto kong batukan ang sarili ko pero hindi ko talaga mapigilang mapahagikhik na parang teenager.

Rodney proposed a pinky swear! And who am I to refuse it?? Kahit manlang ang hinliliit nya, makadaupan ng hinliliit ko. Kahit yun lang, masaya na ako.

Pulang-pula na yata ako pero hindi ko pa rin mapigil ang pabugso-bugsong paghagikhik habang magkasunod kaming naglalakad papunta sa dressing room na nakalaan kay Shelley.

Yes, Shelley is always the star of the night. Kaya naman may pagka-primadonna.

Rodney has an amused smile on his lips.

When we’re about to enter the dressing room, he opened the door for me.

“After you, Mademoiselle.”

At hudyat yon para muling magrigodon ang puso ko.

A/N: I will appreciate your comments and votes. Thank you for reading the first chapter! :)

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now