CHAPTER 13

10.9K 218 8
                                    

CHAPTER 13

Naganap ang kasalan sa isang simpleng simbahan sa Tagaytay makalipas lang ang mahigit dalawang linggo. Pumayag si Rodney sa kagustuhan ni Lola, kapalit ng pagpayag ni Lola na sumailalim sa chemotheraphy at sa kahit anong treatment na pwede.

Gaya ng napag-usapan namin nina Rodney at Shelley, nagpapakasal kami pero hindi ipapa-file ni Rodney ang marriage contract sa civil registrar.

There’s nothing special in the wedding. Rodney did not talk much, except his ‘I do’ and the dictated statements.

Ako man ay umiiwas rin na tingnan sya sa mata. There was nothing there but indifference. Ni hindi sya ngumingiti sa buong seremonya.

Lola almost cried when Rodney refused to kiss me when it was time to kiss the bride. Bahagyang nagkaroon ng komosyon dahil nag-shoot up ang BP niya.

I felt like crying. This whole mock-wedding makes me feel like a trash. Pinandidirihan. Walang halaga. Pero hindi ko pwedeng ipakita ang emosyong iyon. I will always wear a triumphant smile, even if I feel defeated.

I leaned in and kiss him. Naramdaman ko ang pagtutol nya pero hinayaan nya lang ako.

“Smile, Honey. It’s not as if it’s the first time that we will kiss,” I remember hissing at him.

Lalong tumiim ang anyo niya. Halos maglabasan ang mga litid nya sa leeg sa pinipigil na galit.

Maliban sa kaunting salu-salo ng mga piling bisita, wala ng event pa sa maghapon.

There was no grand honeymoon afterwards, there was no cheerful laughters.

In fact, nandito kami ngayon sa condominium unit ni Rodney, kasama si Lola.

“Well, let’s have a toast before I leave you both to yourselves,” wika ni lola at lumapit sa minibar. Sya na ang nagsalin ng wine sa tatlong baso. Iniabot nya ang sa amin ni Rodney at itinaas sa ere ang baso nya.

“For your marriage.”

“For our DEAL,” Rodney retorted sarcastically. Mabilis nyang ininom ang alak sa goblet nya at inagaw ang nasa kamay ni Lola. “You can’t drink this, old lady. Mas kailangan ko ito.”

Tinungga nya rin iyon habang nakamasid lang kami ni Lola.

She smiled smugly saka biglang nagpaalam na uuwi na sya.

Naiwan akong nagtataka.

“Don’t forget your treatment tomorrow,” paalala ni Rodney.

Napangiti ako. Kahit nagagalit si Rodney, hindi nya kayang tikisin ang may edad na babae.

Kahit mahirap para sa akin, kahit alam kong masasaktan ako in the process, pakiramdam ko, tama ang ginawa ko. In the end, alam kong magiging masaya sila pareho.

Tumunog ang telepono nya.

“Hello.”

Nakita ko ang pagbabago sa kanyang ekspresyon.

“What the hell-! How did she know? How..?”

Napasulyap sya sa akin at tumalim ang tingin. Ibinaba nya ang cellphone at inilang hakbang ang pagitan namin.

Kinabahan ako sa galit na nakabadha sa kanyang mukha. Sinaklit nya ako sa braso at inilapit ang mukha sa akin.

“Did you..?” nag-apuhap sya ng salita.

“N-Nasasaktan ako, Ney..”

His pupil dilated in anger.

“Don’t dare call me Ney! Ikaw ba ang nagsabi?!”

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now