CHAPTER 19

10.9K 215 22
                                    

CHAPTER 19

“I asked if you have a twitter account,” ulit ni Rodney. Kasalukyan kaming nakaupo na ng matiwasay sa sofa dahil nahiya naman kami sa mga tao sa salon.

“Uh.. wala eh,” wala sa sariling sagot ko.

“Facebook?”

Umiling akong muli.

“Myspace, G+, flicker, tumbler, instagram?”

“Wala.”

“Saang planeta ka ba nanggaling?”

“Venus,” pamimilosopo ko.

“Yeah. And I’m from Mars,” pakikisakay nya.

“Weh, sabi mo dati, you’re from Pluto.”

“Ugh! I’m caught.”

Kahit gusto kong panindigan ang pagkainis ko, hindi ko na naman magawa. Minsan-minsan ko na lang makasama si Rodney na maayos ang mood nya, sasayangin ko pa ba ang pagkakataon?

Wala rin namang sense na magmukmok ako o magpaka-badmood. I will just enjoy every moment with him. Until all the lies turn into truth. Until my illusions become reality.

Nahinto kami sa pagkukulitan nang makita naming papalapit na si Lola. Sa wakas, makalipas ang isang dekada, natapos rin ang kanyang salon escapade. Nagpa-manicure at pedicure na rin kasi sya.

Itinuloy na namin ang pag-iisa-isa sa mga boutique at fashion outlets.

“That one would look good on you,” itinuro ni Rodney sa akin ang isang dress na nakahanger sa loob ng isang glass shelf habang si lola naman ay abala sa pag-ikot-ikot sa maluwang na boutique.

“Doubt it,” iling ko.

“Try it.”

“Something so elegant and fashionable will not turn a dirt into something else.”

Natigilan si Rodney.

“Come here,” he commanded in a serious tone.

Ako naman si tanga, sunud-sunuran.

Then he hugged me gently.

“You’re not dirt. I was just mad and hurting. I’m sorry for last night, Mira.”

Nag-init ang sulok ng mga mata ko.

This is more like the Rodney I know.

I hugged him back, tighter.

Nang magkalas kami, masuyong hinawakan nya ako sa mukha at pinaglandas ang hinlalaki nya sa gilid ng labi ko.

“Does it still hurt?”

“A-Alin?”

“Yung sugat mo sa labi.”

Umiling ako. “Not anymore.”

He contorted his face to create a mock disappointment.

“And I thought I will have the chance to kiss it again to ease the pain!”

Hinampas ko sya sa dibdib. Pwede mo namang halikan yan, kahit walang ‘pain’ na kailangang ma-ease!

“How about your hand?” ako naman ang nagtanong.

Ipinakita nya ang kamay nyang may sugat dahil sa pagsuntok nya sa pader kagabi.

“Masakit,” he grinned teasingly.

“Talaga?” ngumisi ako ng malapad. “Tara, dalhin kita sa gumamot sayo nung nauntog ka sa pinto dati!”

Sumimangot si Rodney.

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now