CHAPTER 38

21.5K 310 23
                                    

A/N: I’m a bit nervous. Baka mapagaya kasi ito sa #BestEndingEver. ;( Anyway, let us be happy! Happy birthday to me! XD

CHAPTER 38

“Gran, masaya ka ba? Magkasama ka naming dinalaw ng paborito mong apo na mas mahal mo pa kesa sa akin.”

“Hindi totoo yan,” sawata ko sa sinabi nya. “Alam mong walang makahihigit sa pagmamahal ni Lola sayo.”

“Yeah? Kaya pala dahil sayo kaya hindi niya ifinile sa city registrar ang marriage contract natin? Do you know why? Dahil kung hindi ka daw magiging masaya sa akin, gusto niyang maging malaya ka pa rin at may option ka pa na hanapin ang taong makapagpapasaya sayo.”

“Did she say that?”

“Yeah. So she left me with the burden of deciding for your fate. What am I to do? I didn’t want to make you miserable by keeping you beside me even if you don’t love me. Pero ayoko rin namang pakawalan ka.”

Tinitigan ko sya na pinipilit basahin ang nasa mukha.

Muli syang tumingin sa puntod ni Lola, tapos bumalik sa aking mukha ang paningin nya.

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.

“You were right. Deep down, I know you. The way you would laugh so hard and carefree, the tears that stream down your face whenever you watched or heard or read sad stories, your choices of novels, your childish delight on nature, your resolve to learn something new, your efforts to help whenever you could.. they showed me who you really are. And honestly, I trust that person. I trust the person that I know you are. Dahil kung hindi, wala ako sa harap mo ngayon.”

Napaawang ang mga labi ko. Rodney looked so sincere.

“Mira.. no- I mean, Emerald..”

My lips quivered, waiting for his next words.

Nahigit nya ang paghinga at napatitig sa mga labi ko.

“What the heck-!” frustrated na iwinasiwas nya sa hangin ang kamay saka ako biglang hinapit.

He grabbed me by my waist and I crashed against his body. Nagulat man ako sa ginawa nya, hindi ko sya pinigilan.

Mapusok nya akong hinalikan, at tinanggap ko iyon ng buong puso. The more he kisses me, the more I crave for him. At kahit si Rodney, tila habang tumatagal ay mas nagiging mapusok ang mga halik nya, as if he can’t get enough of me, as if he wants to wring everything out of me as he squeezes me against his sculpted torso.

He is ravaging me and enveloping me in an all consuming passion that my knees started to wobble. I am being overporwered by the fervor of my emotion.

Gusto kong ipagsigawan ang nararamdaman ko.

Gusto kong isigaw na mahal ko sya.

Kapwa kami humihingal nang maghiwalay ang aming mga labi. Ilang saglit na nagtama ang aming mga paningin.

His eyes were full of passion and of different emotions that I’m afraid to name.

Ayoko syang pangunahan. Hahayaan kong si Rodney ang magsatinig ng nais nyang iparating.

Dahil nanghihina ang aking tuhod, tinanggal ko na ang aking mga sapatos at sumalampak ng upo sa damuhan.

Sumunod si Rodney at umupo naman sya ng pa-indian sit sa harapan ko.

“Hey, don’t just casually sit whenever and however you like. I can see your red panty from here,” sita nya sa akin, his eyes darting on my exposed legs.

Pinandilatan ko sya ng mga mata.

“Then why are you looking?!”

“I’m trying not to, but that’s impossible. Automatic na bumabalik yung paningin ko eh!” protesta nya.

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now