CHAPTER 12

10.1K 215 2
                                    

CHAPTER 12

“P-Pano kayo nakapasok dito, Gran?” nang mahimasmasan sa pagkagulat ay tanong ni Rodney.

Ngumiti si Lola. “I won’t tell you the secrets of the trade just like that, hijo.”

Lumapit sa akin ang matandang babae at niyakap ako.

“H-How are you, Lola?”

“I’m good. It’s good to see you together. If only it’s just the two of you,” pailalim nitong pinadaanan ng tingin si Shelley.

Palihim akong napangiwi.

“Bakit bigla ka na lang dumarating, Gran? Sana sinabihan mo ako para naman nakauwi kami ng maaga,” si Rodney.

“Enough of this. I need to talk to you. Let’s all sit down. And since your friend is here, let her hear what I have to say,” seryoso ang mukha ni Lola. Nauna na syang lumakad pabalik sa sofa. Kinakabahan kaming nagkatinginan ni Rodney habang si Shelley naman ay unti-unting pumulupot ang braso sa katabing binata.

“What is it, Gran?” si Rodney.

Huminga ng malalim si Lola at tumingin sa apo.

“Hindi ko gustong mabigla ka, Rodney. Pero kailangan kong sabihin sayo ito.”

Muling bumuntunghininga ang matandang babae.

“I have a colon cancer at stage four.”

Hindi nakaimik si Rodney. Blanko ang mukha nya at hindi ko alam kung anong iniisip.

Maya-maya, tumawa sya ng pagak.

“Gran, I don’t like that joke.”

“Do I look like I’m joking?”

Nagsukatan sila ng tingin. Si Rodney na rin ang sumuko at nagyuko ng ulo nang mapagtanto nyang seryoso ang kanyang lola. Umiling-iling ito sa sarili.

“I’m leaving this world soon..” dagdag ni Lola na tila sa sarili lang sinasabi iyon. She looked up at the ceiling to prevent her tears from falling.

Sinapo ni Rodney ng palad ang kanyang ulo. Nakita ko ang pagyugyog ng kanyang balikat dahil sa tinitimping emosyon. Gusto kong lumapit. Gusto ko syang yakapin, aluhin, damayan.

Pero nasa tabi nya na si Shelley, marahang hinahagod ang kanyang likod habang ang isang kamay ay nakadantay sa kanyang hita.

Umalis sa pwesto nya si Rodney at lumapit sa lola nya.

“Gran..”

Niyakap nya ng mahigpit ang may edad na babae.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa hita ko. Shit! Umiiyak na rin pala ako. Pinilit kong tuyuin ang aking mga mata pero ayaw paawat ng luha ko habang patuloy kong pinapanood ang maglola na magkayakap, inaalo ang isa’t-isa.

“Gran, may options pa naman upang gumaling ka, di ba?” nang mahimasmasan ay tanong nito sa matanda.

Nag-iwas ng paningin si Lola.

“Pakinggan mo ako, Apo. Ang gusto kong mangyari, makita kayo ni Mira na bumubuo ng pamilya. Nais kong magpakasal kayo ngayong buwan.”

Nahigit ko ang paghinga.

Lumayo ng bahagya si Rodney sa lola nya at sumulyap sa akin, then kay Shelley.

Nasa mukha ni Shelley ang pagtutol, ang tinitimping pagkainis.

“Gran, may kailangan kang malaman.”

Tumingin si Lola kay Rodney at hinintay ang sasabihin nito.

SUBSTITUTE LOVERWo Geschichten leben. Entdecke jetzt