CHAPTER 17

11.6K 200 23
                                    

Because you’re so eggzoited! XD Yey, abot ako sa weekend. Haha!

A/N: Wag pong malito, balik na kay Mira ang mikropono.

CHAPTER 17

It's Christmas eve at abala kami ni Rodney sa pagluluto habang nakaupo sa wheelchair na nanonood sa amin si Lola. Nakakalakad pa naman sya pero lubhang mahina na kaya gusto namin ni Rodney na gumamit na lang sya ng wheelchair para hindi sya mahirapan.

And guess what, we've just moved to our new house. Pumayag na si Lola na pumisan sa amin, pero gusto nyang lumipat kami sa binili nyang bahay sa Bel-Air. Sa amin ni Rodney nakapangalan ang titulo ng bahay na ito at ibinigay nya sa amin ng nakabalot sa gift wrapper ang mga dokumento. Regalo nya daw dapat ito para sa kasal namin, pero dahil minadali ang kasal, hindi agad natapos ang renovation kaya naging Christmas gift na rin.

Kasama na rin namin sa bahay sina Manay Olga at Mang Jerry, dalawa sa mga tauhan ni Lola sa Tagaytay pero pinagbigyan sila ni Lola na mag-dayoff ngayon upang makasama ang kanya-kanyang pamilya nila para sa Noche Buena.

Mula nung lumipat kami dito isang linggo na ang nakalilipas, napilitan si Rodney na umuwi gabi-gabi.

"Ouch!" nabitawan ko ang hawak na kutsilyo at hinawakan ang daliring aksidente kong nahiwa.

Mabilis na lumapit sa akin si Rodney.

"Mi, anong nangyari?" kinuha nya ang kamay ko at siniyasat.

"O-Okay lang," sa bahagyang nanginginig na boses ay wika ko, pilit na pinaglalabanan ang takot ko sa dugo kahit gaano kaliit ito.

"Shh.." hinila nya ako palapit sa kanya at iginiya sa lababo. Binuksan nya ang gripo doon at itinapat ang kamay ko.

Matapos iyon ay tinuyo nya ang daliri ko at kumuha ng band aid.

"Maliit na sugat lang yan," nakangiti syang nag-angat ng mukha mula sa pagkakayuko. Iniangat nya ang kamay ko at dinala sa labi niya.

Bahagyang nanginig ang mga daliri ko sa ginawa nya. Agad na nanuot ang init ng labing lumapat sa aking balat.

Hinamig ko ang sarili at saka muling bumaling kay Rodney. Nakatayo na sya at handa ng bumalik sa iniwang ginagawa. Nginitian ko sya ng matamis.

"Okay na ako. Thank you, Ney." I tiptoed and kissed him on his cheek.

I felt him froze for a while before he grabbed me by the waist and placed a peck on my lips.

"Tease," he told me, eyes twinkling as he grin.

"Eherm.. Masusunog na yung nakasalang nyo."

Sabay kaming napalingon kay Lola at napapahiyang naghiwalay.

"Ako na ang maghihiwa nyan, haluin mo na lang itong niluluto ko," si Rodney.

Sinunod ko na sya dahil baka masugatan na naman ako sa kaengotan ko.

"What's your Christmas wish, Gran?" Rodney started a light conversation.

"Hmm.. Let me think.." humawak sa baba si Lola at kunwa ay nag-isip. Tapos bigla na lang syang pumitik sa hangin at ngumisi.

Oh no! I know that look. This old lady here is the queen of mischief!

"I want great grandchildren!"

Napamulagat kami ni Rodney. Speechless.

"Eherm.." tikhim ko. "Children? Agad-agad, Lola. Hindi pwedeng ‘child' lang muna?"

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now