CHAPTER 6

12.6K 244 3
                                    

CHAPTER 6

Ayon sa doktor na tumingin sa paa ko, wala naman daw akong sprain. Maliban sa pasa at hiwa sa tuhod ko, wala ng iba pang damage. Ini-advise nya na lang na magpahinga ako. At dahil dun, nag-insist si Lola na ipagpabukas na lang namin ang pagbalik sa Manila.

Medyo papadilim na at kasalukuyan kaming kumakain nang hapunan. Tahimik lang kami ni Rodney. Marahil ay kapwa kami nag-iisip dahil iisang kwarto ang ipinahanda ni Lola para sa amin ngayong gabi kahit marami namang kwarto sa bahay.

“When do you plan to get married?”

Nagkatinginan kami ni Rodney, parehong naghihintay na ang isa ang sumagot.

Tumikhim muna si Rodney bago sya sumagot. “Lola, wala pa sa isip namin yan.”

“Kailan nyo pa iisipin? Hindi naman na kayo mga teenager. At matanda na ako, I want to see my great grandchild before I go.”

“Malakas pa kayo Lola. You can live up to a hundred!”

Pinandilatan ng mata ng matanda ang apo. “I’m not joking!”

“By the way, Gran, when will you go back to the States?”

“Who said I’m going back to America? I’m staying here for good. At huwag mong ibahin ang usapan! I want to see you married. Hindi na ako magtatagal sa mundo, Rodney. Ayokong iwan kang mag-isa sa buhay mo. Gusto kong mag-settle down ka muna para matahimik ako sa kabilang buhay.”

“Gran, huwag ka ngang magsalita ng ganyan.”

“Kung wala pa kayong plano, magplano na kayo.”

Bumuntong-hininga na lang si Rodney at hindi na nakipagtalo pa.

“Sya nga pala, you left your phone earlier when you went to the hotspring,” wika ni Lola. Napakapkap sa bulsa si Rodney at mukhang noon nya lang na-realize na hindi nya dala ang phone nya. Ganun din ako. Nasa bag kapwa ang phone namin at hindi namin naalalang kunin.

“Someone kept on calling you, ayoko namang pakialaman ang phone mo, kaya na-lobat na kare-ring.”

Napasulyap sa akin si Rodney.

“A certain ‘Babe’ was calling,” naka-arko ang kilay ni Lola.

Tila namutla si Rodney at ako man ay napalunok.

“Ah, si Babe!” bulalas ko.

Nilinga ako ni Lola. “Babe?”

“Opo lola. Babe ang pangalan nung bestfriend ni Rodney nung college,” paliwanag ko at kunwa’y bumaling kay Rodney. “Bakit kaya sya tumawag?”

Hindi pa man nakasagot si Rodney, may lumapit ng isang katulong.

“Mam, nagri-ring po yung phone dito?” bitbit nito ang bag ko.

“Thank you,” inabot ko ang bag. “Lola, okay lang po bang sagutin ko ang tawag?”

“Go on, Mira. Baka importante.”

Si Shelley ang tumatawag. Patay!

“Hello, Babe,” bungad ko.

“Mira? Why are you calling me Babe??”

“Ah, yes. He’s here with me. Naiwan nya kasi ang cellphone nya kanina. May kailangan ka ba?”

“Natural kailangan ko ng update! Saan ba kayo nagpupunta??”

“Ganun ba? Kung confidential, sige ipapasa ko muna ang phone kay Ney para makapag-usap kayo in private.”

“Ney?? You call my boyfriend Ney?! Who the hell do you think you are?!” nanggagalaiti na sa galit si Shelley.

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now