CHAPTER 3

13.9K 244 4
                                    

A/N: Belated Happy Birthday Mam Julie! Sa sobrang tagal ng post ko, sobrang late na rin ng pagbati ko. :)

CHAPTER 3

Halos nakakatulog na ako nang bulabugin ako ni Shelley sa kwarto ko. Bigla na lang syang pumasok ng hindi kumakatok at walang pakundangan nya akong niyugyog.

Kung ako lang talaga ang masusunod, ila-lock ko ang pintuan para magkaroon naman ako ng kaunting privacy pero iginiit nya bilang house rule na bawal kong i-lock ang pinto ko pag matutulog na ako dahil anytime daw ay pwede nya akong kailanganin.

Yes, 24/7 ang trabaho ko sa kanya. Hindi naman sa nagrere-reklamo ako, nagke-kwento lang. Pinili ko naman ito, kaya wala talaga akong karapatang mag-reklamo.

“Bakit?” pupungas-pungas kong tanong. Badtrip, ansama sa pakiramdam yung half-asleep ka na, bigla kang hihilahin pabalik sa mundo ng mga taong gising.

“I need your help! I need your help!” nagpa-panic nyang wika na inalog-alog pa ako.

Of course you need my help. Alangan namang ako ang may kailangan sayo kaya ka nandito, di ba?

I bit back my words of sarcasm.

Bumangon ako at umupo. Umupo rin sya sa kama at humarap sa akin.

“What do you need my help for?”

Natitigilan syang napatitig sa akin.

“I..” She started, brows furrowing. “I didn’t realize until now that you have a beautiful pair of eyes.”

May kalakip na jealousy sa boses nya. Ang isang bagay na pinakaayaw nito, ang makitang may magandang bagay sa ibang tao na wala sa kanya.

Pasimple kong dinampot sa side table ang aking salamin at isinuot ito.

“You look more reliable that way,” komento ni Shelley. Gusto kong mapailing. Matindi ang kaso ng insekyuridad ng babaeng ito.

“Ano ba talagang kailangan mo, Shelley?” malumanay kong tanong.

Sa halip na sagutin ako, hinila nya ako palabas ng kwarto. Naratnan namin si Rodney sa living room.

“She will take my place,” Shelley announced.

Sabay na nagsalubong ang kilay namin ni Rodney at tumingin kay Shelley ng may pagtutol.

Ni hindi ko nga alam kung anong problema nila, tapos isasabak nya ako?

“Shelley, YOU are my girlfriend, not Mira! Bakit sya ang ipakikilala ko kay Lola?!”

Wait- what?!

“Ikaw na rin ang nagsabi na napaka-conservative ng lola mo, di ba? I’m sure she won’t approve of me because I can’t pretend I’m someone simple and homey.”

Shelley started trembling at nagkatinginan kami ni Rodney.

“Babe..” masuyong niyakap nito ang nobya. “You don’t have to pretend. I will just introduce you, I’m not asking you to get her approval.”

“No.. Even so, she will reject me. She will not like me. I can’t bear that. No!” Shelley is almost hysterical. May namumuo na ring luha sa mga mata nito. Para syang bata na natatakot humarap sa ibang tao.

“But Babe, we cannot go on forever like this. Time will come that I have to introduce you to her. But you don’t have to worry, saglit lang naman sa Pilipinas si Lola, you don’t have to see her very often. Besides, di ba napag-usapan na natin ito last week pa. Pumayag ka naman, di ba?”

SUBSTITUTE LOVERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora